^

Pang Movies

Para sa mga kababayan sa Amerika: Kahit nadisgrasya na, James itinuloy ang concert!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Kung minsan may mga tao talagang napakabilis na humusga sa kanilang kapwa. Mayroon na namang masama ang loob dahil hindi raw nasipot ni James Reid ang sinasabing fan meet and greet niya sa US kung saan may concert sila ng kanyang ka-love team na si Nadine Lustre. Hindi nila alam na may aksidenteng nangyari.

Sa isang naunang fan meet and greet pala, hindi naman sinasadyang naitulak si James ng isang fan niyang babae. Medyo na-off balance si James at bumagsak. Hindi naman yata fracture, pero medyo nagkaroon siya ng knee injury kaya kailangan siyang lagyan ng cast, at kailangan ngang gumamit ng crutches para makalakad.

Pero nakakatuwa maging ang video post niya, na sa kabila ng crutches ay nagpipilit pa rin siyang sumayaw, kasi nga alam niyang iyon ang hahanapin sa kanya ng mga fans na nagbayad nang malaki para lamang mapanood sila ni Nadine.

Hindi naman kasi iyan kagaya ng ibang mga show sa abroad na ginagawa lamang sa mga carin­deria. Iyong sa kanila kasi hindi naman palabas lang, kung ‘di isang concert tour talaga.

Sa ganyan mo naman makikita ang propesyonalismo ng isang artist. Kahit na nagkaroon ng kapansanan, hanggang makakaya niya ay itutuloy niya ang kanyang nasagutang trabaho.

Kung tutuusin, maaari naman sigu­rong hilingin ni James ang postponement ng kanilang show dahil nga sa kanyang tinamong injury, pero sinasabi ngang ang anumang delay na mangyayari ay makakaapekto naman sa sche­dule ng mga susunod pang proyektong kailangan nilang gawin. Isa pa, hindi lang siya ang maiistorbo doon kundi si Nadine rin.

Kaya ganoon nga ang nangyari, tuloy ang show kahit na may injury.

Mike Tan matanda na para maghubad

Hindi na sana namin papatulan ito, pero ilang ulit naming nakikitang sulpot nang sulpot sa a­ming newsfeed sa social media. Iyan iyong statement ni Mike Tan na papayag daw siyang mag­hu­bad sa isang pelikula kung talagang maganda ang istorya. Karugtong lang naman iyon ng isa pa niyang statement kung bakit siya nananatiling lo­yal sa GMA 7, pero nakakatawang ngayon pa niya naisip iyon.

May panahong nag-pose na siya para sa ilang magazines na gay themed noong araw, at may ka­len­daryo pang nagpa-sexy siya. Dahil siguro doon kaya noong araw, may isa pang pelikula na inialok sa kanya, kung saan kailangan niyang medyo mas magpa-sexy pa. Pero hindi siya pumayag.

Ngayon kung kailan may edad na siya, at saka siya naging isang underwear model ng isang direct selling catalogue, at ngayon din sinasabi niyang willing siyang maghubad kung ok ang proyekto. Hindi kaya niya naisip na medyo late na iyang balak niya dahil may edad na siya?

Iyang mga ganyang career moves, ginagawa iyan kung bata ka pa, para kung pumalpak man ay makakabawi ka pa sa image mo. Kung kasing edad ka na ni Mike Tan, tapos gagawa ka pa ng ganyang project, papaano ka pa makakabawi kung pumalpak?

Siguro naman kaya niya nasabi iyon at mas mukhang naging open siya sa ganoong projects ay dahil sa katotohanang matagal na rin naman siyang artista at halos wala ngang nangyayari sa kanyang career. Binibigyan naman siya ng break ng network. Ngayon nga bida pa siya sa isang serye nila. Pero mabagal nga kasing masyado ang pick up ng kanyang career.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with