^

Pang Movies

Rosemarie Sonora at mga anak binayaran daw ng kalaban ni Grace Poe!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Dalawang lugar bukas ang rally ni presidentiable Grace Poe - sa Bacolod at sa Palawan. Kasama niya rito ang bida ng FPJ’s Ang Probinsyano na si Coco Martin. Pinayagan ng Dreamscape ni Deo Endrinal si Coco na samahan si Sen. Grace dahil sa pagtanaw nila ng utang na loob kay Ms. Susan Roces, na lola ni Coco sa teleserye. Plus ang paniniwala nila sa ipinaglalaban ni Sen. Grace sa pagi­ging pangulo ng bansa.

Wala na ngang makapipigil kay Sen. Grace sa pa­nga­­ngampanya kahit pa may balitang tahimik na dumating sa bansa si Rosemarie Sonora at may pasabog daw laban sa kanya, sa isang presscon na kasama ang mga anak na sina Sheryl at Wowie. Ayon daw sa mag-iina, isang bipolar si Sen. Grace kaya hindi sincere ang mga sinasabi nito sa mga kampanya niya. Hindi raw nakipagkita si Rosemarie kay Susan nang dumating sa bansa. Wala naman daw balak si Susan na makipag-usap kay Rosemarie.

Sino kaya ang nakapagpauwi kay Rosemarie sa bansa samantalang ilang taon na siyang wala rito at kahit ano’ng okasyon ng pamilya Sonora ay hindi siya bumabalik? Paano nalaman ng mag-iina na bipolar si Sen. Grace samantalang hindi naman siya nakasama ni Rosemarie dahil nasa Amerika na siya noon? At si Sheryl naman, wala rito si Sen. Grace at nag-aaral sa Boston, noong panahong nakitira siya kay Susan? Si Wowie naman ay dating nagtatrabaho sa opisina ni Sen. Grace sa Senado, pero matagal na raw itong hindi pumapasok. AWOL? Kung ang totoo lahat ng balitang ito, maraming naghihintay kung kailan ang pa-presscon nina Rosemarie at sino ang nasa likod ng planong ito.

Janine kabado kay Lolo Boyet

Na-excite si Janine Gutierrez nang malaman niyang makakasama niya sa bagong primetime drama series na Once Again ang kanyang lolo na si Christopher de Leon, tatay ng mommy niyang si Lotlot de Leon. Matagal na raw niyang gustong makasama noon pa ang kanyang Lolo Boyet, pero wala raw chance dahil magkaiba sila ng network. Nabuhay daw ang pag-asa niya nang gumawa ng dalawang soap ang lolo niya sa GMA 7, ang Beautiful Strangers at Little Nanay na kasama ang lola Nora Aunor niya. Kaya lang, may dalawa palang kasunod na project sa TV5 at ABS-CBN si Boyet.

Freelancer si Boyet, kaya kung may natapos na itong project sa dalawang network, puwede na itong gumawa sa GMA 7 uli. “I’m looking forward to work with him, kaya feeling ko, kakabahan ako kapag dumating na ‘yung araw na kaeksena ko na si Lolo. Alam ko, marami akong matututunan sa kanya.”

Magsisimula nang mapanood ang Once Again sa May 2, sa direksyon ni Don Michael Perez.

Dingdong at Marian sabay nagma-master ng pakikipaglaban

Sabay palang nagri-rehearse ng fight scenes nila sa Encantadia 2016 ang mag-asawang Ding­dong Dantes at Marian Rivera. Gumaganap si Marian bilang Ynang Reyna at si Dingdong ang kanyang asawang si Haring Raquim. Bilang hari at reyna, sila ang magtatanggol sa kanilang kaharian ng Lireo, kaya kailangang maging bihasa rin sila sa pakikipaglaban. Kaya tamang-tama na sabay na silang mag-practice para maturuan din ni Dingdong ng correct moves si Marian. Tamang-tama naman dahil magsisimula na silang mag-taping under Mark Reyes, before the election.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with