Derek gusto munang i-enjoy ang GF, ayaw pakasal
Inalok din pala kay Derek Ramsay ang role ng bagong Ang Panday pero tinanggihan niya ito.
“Kidlat ako eh,” rason ni Derek sa role niyang ginawa sa TV5 noong 2013. Nakausap ng press si Derek after ng media-con ng Regal movie niyang Love is Blind sa Luxent Hotel.
Kay Richard Gutierrez napunta ang dating role na pinasikat nina Fernando Poe, Jr. Bong Revilla, Jr, at Jinggoy Estrada.
Teka, hindi ba banta sa trono niya sa Kapatid Network ang pagpasok ni Chard, eh pinagharian niya ang istasyon noon?
“No! I am very supportive about Richard,” sabi pa ng aktor.
So bale second choice lang si Richard sa role?
“I don’t wanna say second choice. Richard was in the industry I think before me. So hindi ko puwedeng sabihin na mas ano ako sa kanya. That would be outright rude. The guy has done more things than I have for the industry,” katwiran pa niya.
Ayaw niyang sabihin na second choice lang si Chard sa role. Siya kasi, second choice din sa filmfest movie na English Only, Please.
“I was second choice to many movies and I was very thankful na ako ang napili. I could have accepted Panday pero I just wanna be fair na ako si Kidlat, something that’s homegrown sa TV5 and para sa viewers, I don’t think it would gonna be fair na, ‘Oh, he portrayed Kidlat, a superhero and now, he’s Panday as superhero? It just doesn’t look right!” dahilan pa ni Derek.
Siya nga pala, hindi ba niya planong magpakasal sa girlfriend na si Joanne Villablanca lalo na’t pakakasal na si Solenn Heussaff at kasal na si Kean Cipriano na co-stars niya sa Love is Blind?
“You know, the relationship Joanne and I have, it’s very, very well. For me I don’t want to pressure her or jinx na relationship by talking about it.
“When we’re both ready, that day will come and you guys will be the first to know. But for now, the want is there, I definitely want to spend the rest of my life with a partner by my side, so for now, ayoko munang i-pressure ang relationship namin with talks of marriage,” diin ng hunk na aktor.
Nico aminadong nagiging bida dahil sa nanay
Dedma na lang si Nico Antonio sa intrigang kaya siya nagkakaroon ng lead role sa movie ay dahil producer niya ang inang si Atty. Joji Alonso. Una siyang binigyan ng lead break sa indie movie na Posas at ngayon, sa action drama na Tandem kung saan bidang-bida sila ng aktor na si JM de Guzman.
“Hindi na po ako nasasaktan. Siguro kung newbie pa ako. Noon, nahi-hurt ako and at the same time, naiintindihan ko na dahil totoo naman.
“Kasi sa industriyang ito, either pogi ka, maganda ka o may kuneksyon ka. Doon tayo sa may kuneksyon kasi hindi naman ako kapogian. So ngayon, hindi na ako nahi-hurt kasi ngayon, may napatunayan na po ako siguro,” katwiran ni Nico.
Dalawang beses na rin kasing nakakuha ng acting nomination ni Nico para sa movie na Posas at sa Red. Para sa kanya, mahalaga ang acting award.
“Sobrang importante po kasi parang as an actor, ‘yun ‘yung epitome ng pagiging aktor mo. Parang ‘yun ang pinnacle na sinasabi, ‘Ang galing mo!’’diin pa ng anak ni Atty. Joji.
- Latest