^

Pang Movies

Kahit sa boyfriend Rochelle hindi kayang makipagtikiman sa mga kaeksena

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

First indie film ni Rochelle Pangilinan ang napapanahong story ng Tandem kung saan nakasama niya sina Nico Antonio, Elora Espano at JM de Guzman.

May sinimulan daw siyang indie film noon, ang Lam-Ang with Rocco Nacino pero na-shelved ito, at hindi na nila alam kung gagawin pa muli ito.  With her first indie film, nagulat si Rochelle na pwede raw palang magmura sa dialogues, na hindi pwedeng gawin sa mga drama series na ginagawa niya.

Pero marami raw siyang natutunan at masaya siya sa mga nakasama niya sa shooting na ginawa pa nila noong March or April, 2015.  Medyo nalungkot si Rochelle nang tanungin siya kung darating sa presscon si JM.  Ngayon daw lamang niya nalaman ang nangyayari kay JM dahil wala naman silang naging problema noong nagsu-shooting sila.  Tahimik daw lamang sa set si JM, pero kapag nag-take na, ang husay nitong nagagampanan ang eksenang ipinagagawa sa kanya.  Sa presscon, sinabing nasa rehabilitation center pa rin si JM.

Sa story, preggy si Rochelle at asawa niya si Nico.  Natanong siya kung may love scene sila ni Nico tulad ng love scene nina JM at Elora.  Wala raw dahil hindi niya kayang makipag-love scene.  Kahit ba kapalit nito ay international award o malaking talent fee?

“Hindi ko po talaga kaya ang makipag-love scene, siguro kahit sa boyfriend ko (Arthur Solinap) hindi ko kaya, o baka lalong hindi ko kaya kung si Arthur ang ka-love scene ko.  Hindi po ako tatanggap ng trabaho na hindi ko naman maidi-deliver ang role na ibibigay nila sa akin.”

Ang Tandem ay mapapanood na simula sa February 17, sa direksyon ni King Palisoc.  Pinalinawag ni Direk King na hindi nila igino-glorify sa story ang mga ginagawa ng mga riding in tandem ngayon.   Binigyan ito ng R-16 classification ng MTRCB at Grade A mula sa CEB (Cinema Evaluation Board). Produced ito ng Quantum Films, Tuko Film Production at Butchi Boy Films.  Nasa cast din sina Allan Paule, BJ Flores,  at Karl Medina.

Kapuso heartthrobs aariba sa magazine cover

Tatlong Kapuso heartthrobs ang susunod na cover ng isang glossy magazine, ang Preview, sina Andre Paras na panalo sa takilya ang mga pelikula, at ang sinusubaybayan ngayong primetime romcom na That’s My Amboy with Barbie Forteza, si Ruru Madrid na hinangaan na sa mga teleseryeng ginawa niya like Let The Love Begin with Gabbi Garcia, at si Derrick Monasterio na nakikilala na sa pagiging balladeer at ngayon ay leading man na sa afternoon prime na malapit nang ipalabas, ang Hanggang Makita Kang Muli with Bea Binene.

Alden bumili ng mas malaking sasakyan

Pinost ng isang car company sa Parañaque West na “Grand Starex has been purchased by Mr. Alden Richards.  Thank you for trusting us.” Kung hindi kami nagkakamali, ito iyong display store ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes and his friends sa Parañaque West.

Tama lamang bumili si Alden ng mas malaking sasakyan, para may chance siyang magpahi­nga roon kung out of town ang shoot niya or shows.  Mukhang maliit na nga for Alden ang ginagamit niyang black Hyundai Santa Fe lalo na kung marami siyang gamit na dala sa shooting or taping.

 

ALLAN PAULE

ANDRE PARAS

ANG

ANG TANDEM

ARTHUR SOLINAP

ATILDE

BARBIE FORTEZA

HINDI

KUNG

NBSP

NIYA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with