^

Pang Movies

Kalyeserye nina Alden at Maine, mali na raw ang kuwento?!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Palagay namin tama lang ang naging desisyon ng handlers nina Alden Richards at Maine Mendoza na huwag muna silang payagan na magkaroon ng concert o gumawa ng follow up movie para sa Valentines.

Kung iisipin marami pa naman silang ibang panahon, at ang mas mahalaga ay mapagtuunan muna ng pansin ang kanilang career. Naipakita na naman nila ang kanilang potentials. Isipin ninyo iyong napuno nila iyong Philippine Arena. Pero hindi nga maikakaila na medyo hindi sila naka-maintain nitong mga nakaraang araw, dahil na rin nga siguro sa over exposure na.

Malaking sugal kung igagawa sila ngayon ng pelikula. Tiyak na kikita naman iyon at hindi malulugi sa puhunan. Pero papaano kung hindi iyon maging record breaking hit kagaya ng inaasahan? Mas mahihirapan na sila sa susunod. Kaya nga hindi ito ang tamang panahon para sa isang pelikula. Kailangan sigurong painitin pang muli ang kanilang popularidad, kagaya ng inabot noong buwan ng Oktubre bago sila isalang sa isang film project.

Maski iyong concert na plano sana sa Araneta, wala namang dudang kaya nilang punuin iyon. Iyon ngang mas malaking Philippine Arena na napakalayo ay napuno nila, eh iyan pa kayang maliit lang naman at nasa sentro pa ng transportasyon. Pero mapuno man nila ang Araneta, kung hindi aapaw ang buong Cubao, may masasabi pa rin ang mga kritiko nila.

Mukhang mali kasi iyong ginawa nila ‘yung kuwento ni Lola Nidora (Wally Bayola) sa kalyeserye. Kahit na sabihin mong sina Alden at Maine pa rin iyon, ibang love story na ang kuwento. Mukhang matabang ang kagat ng mga tao. Kasi hindi naman love story ni Lola Nidora ang gusto nila eh, sina Alden at Maine mismo. Palagay namin iyon ang mali sa ngayon, tama, kailangan lagyan ng content ang love story, pero hindi dapat ibahin ang character.

Career ni Sharon walang kaganap-ganap!

Naiisip lang namin kung minsan, ano ba talaga ang plano nila sa career ni Sharon Cuneta? Nang sabihin niyang gumawa siya ng move para ma-revive ang kanyang career, kumawala siya sa kanyang contract sa TV5 dahil nababagalan siya sa development, pero lalo yatang bumagal ang takbo.

Dalawang beses siyang ginawang judge sa isang look alike contest sa telebisyon. Pero maliban doon ay wala na yatang kasunod. Nasaan na iyong sinasabi nilang teleserye? Nasaan na rin ang sinasabing pelikula? Nasaan na ang bagong recording?

Mabuti pa sa TV5, mayroon siyang serye. Sayang nga lang dahil nagkaroon ng mga problema at hindi natuloy ang ikalawa niyang serye, pero siguro naman may darating pang ibang assignments sa kanya. Nangangapa kasi sila pare-pareho noon. Mahusay si Sharon kahit na sa ano mang show mo siya ilagay, pero kailangang pag-aralan kung saan siya magki-click.

Hindi basta-basta ang ginawa ng TV5 noong araw. Isipin ninyong si Joel Lamangan pa ang kinuhang director ng kanyang serye. Eh ngayon nganga.

Hanggang kailan ba dapat na maghintay si Sharon para may mangyari sa kanyang career? Hanggang kailan ba siya maaaring tumahimik na lamang at wala nang ginagawa? Unless siguro may plano na rin siyang mag-retire talaga.

 

ALDEN RICHARDS

ANG

ARANETA

HANGGANG

HINDI

ISIPIN

LOLA NIDORA

NASAAN

NILA

PERO

PHILIPPINE ARENA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with