Miss Saigon naghahanap ng mga susunod na Lea at Rachelle Ann
Magkakaroon kaya muli ng chance ang local artists/singers natin na makuha muli sa Miss Saigon tulad ng nangyari kay Rachelle Ann Go na more than one year nag-perform sa West End, at tumanggap pa ng maraming awards dahil sa mahusay niyang performance? Magkakaroon muli ng audition ang musical play na pamamahalaan ni Bobby Garcia at mismong ang in-charge daw ng music sa Miss Saigon ang pupunta rito para pumili ng mga gaganap sa musical.
May mga nag-suggest na muling mag-audition sina Julie Anne San Jose at Kim Molina para sa role ni Kim at si Aicelle Santos para sa role ni Gigi na ginampanan nga ni Rachelle Ann.
Pwede rin na si Mark Bautista ang gumanap sa role ni Thuy, tiyak daw may edge si Mark sa ibang mag-a-audition dahil ilang beses na rin nagkaroon ng chance na mag-perform sa London Theatre.
Alden hindi na naman napigilan ang iyak sa triple platinum album
Congratulations kay Pambansang Bae Alden Richards para sa Triple Platinum award ng kanyang Wish I May album from GMA Records.
In a span of three months, ang said album ay tumanggap muna ng Gold Record, at noong October 30, 2015, ilang araw pagkatapos ng Eat Bulaga special na Tamang Panahon sa Philippine Arena, tinanggap na niya ang Platinum award, na iniyakan niya at inialay sa yumaong ina.
Naging Christmas gift naman kay Alden noong December 20, 2015 ang Double Platinum award ng album. Pinigilan man ni Alden na maiyak pero hindi siya nagtagumpay dahil naging Platinum award din ang self-titled album niya sa Universal Records pagkalipas ng ilang linggo na nag-platinum ang Wish I May, sabay namang naging Double Platinum ang dalawang album kaya sabay niya itong tinanggap sa Eat Bulaga.
At ang Triple Platinum award ng Wish I May ay tinanggap ni Alden sa Sunday PinaSaya noong Linggo, January 31. Pero ini-award din sa kanya ang Platinum award para sa carrier single ng album na Wish I May. Teary-eyed si Alden sa pagpapasalamat sa PARI at sa GMA Records.
Aicelle namimigay ng datung pag ma-traffic
Bukod sa kinagigiliwang segment ni Aicelle Santos sa Eat Bulaga na Traffic Diva na pasasabayin niyang kumanta ang mga drivers or passengers sa pinapara niyang sasakyan kapag stop ang signal sa kanto ng Aurora Blvd at Broadway Street, bibigyan niya ng cash prize na five thousand pesos ang makakakanta nang tama.
Maganda rin ang bagong segment ng Eat Bulaga na sinimulan na kahapon, ang Just Duet na ang contestant ay kakanta na ang makaka-duet niya in split screen ay ang singers ng song na aawitin nila.
Kailangang mahuhusay ang sasali sa contest at alam nila lahat ang mga kanta dahil ira-raffle ang mga kanta na may ready nang singer na ka-duet nila. Unang naka-duet ng first contestant si Lani Misalucha na kanya palang paboritong singer.
Meanwhile, mamaya sa EB, patuloy ang coverage ng BossingLen wedding.
- Latest