Pagkatapos imbestigahan, MMFF hindi pa rin inilalabas ang kinita
Matapos ang mga napaka-ingay na usapan ng diumano ay mga alingasngas sa MMFF (Metro Manila Film Festival), na nasundan pa ng isang imbestigasyon sa Kamara, ano na nga ba ang nangyari? May magagawa bang batas ang mga congressmen para ang patakbo ng festival na iyan?
Mapag-uusapan pa ba iyan sa susunod na sesyon ng kongreso?
Nangyari na rin kasi ‘yan noong 2008 sa senado, wala rin namang lumabas na batas para baguhin ang pamamalakad ng film festival na iyan, kahit na noon pa ay sinasabi na ng mga senador na kailangang bitiwan na ang pamamalakad ng MMFF ng MMDA.
Ang isa pang tanong, naglabas na ba ng official figures ang MMDA para matapos na rin ang mga usapan kung sino nga ba ang talagang top grosser noong nakaraang festival, at nang hindi puro ispekulasyon lamang ang usapan at nagtatalu-talo pa hanggang ngayon?
Ilalabas nga ba nila ang official figures para malaman kung magkano ba talaga ang mapaghahati-hatian ng mga beneficiaries niyang festival kung mayroon man?
Kailangan kasi malaman kung magkano talaga ang kinita sa Metro Manila, dahil iyon lamang naman ang isasauling amusement tax para mapaghatian ng beneficiaries.
Isa pa, iyon ang batayan ng festival. Ang mga kinita ng pelikula sa labas ng Metro Manila, tagumpay ng pelikula iyon at hindi maaaring angkinin ng festival.
Sa pananahimik ng MMDA, hindi mo malaman kung masasabi nga bang successful ang festival noong nakaraang taon o hindi.
Nakuha na ba ng mga ahensiya ng gobyerno, ang Optical Media Board at ng “social fund” ng Presidente ang kanilang parte? Ano ba talaga?
Vilmanians may katuturan ang mga ginagawa
Papansinin lang namin, mukhang napakasipag ng fans ni Vilma Santos sa paglalabas sa social media ng mga pictures ng pilahan sa mga sinehang naglalabas ng kanyang pelikula.
Mayroon din silang ginawang blocked screening, ibig sabihin may schedules ng pelikula sa isang sinehan na kanilang biniling lahat ang tickets at sabay-sabay silang nanood.
Hindi lang daw sa Metro Manila ang mga blocked screenings, kung di ganoon din sa mga probisiya.
May mga pagkakataon pa raw na ang tickets sa blocked screening ay ipinagbibili nang mas mahal, para kumita pa rin sila at magamit sa kanilang mga charity works.
Iyan kasing mga Vilmanian, gumagawa rin iyan ng sarili nilang charity works kahit na noong araw.
Para naman masabing ang kanilang samahan ay hindi puro tilian lang kung di may katuturan din.
Higit sa lahat, napapatunayan nila na may bilang pa sila, hindi kagaya ng iba na malakas lang ang sigawan pero pipito lang naman.
Kuha sa abroad, sikat na male model may scandal kasama ang isa pang batang male model
Narito na naman ang sinasabi ng aming source. Mayroon daw scandal ang isang sikat na male model, na ang kasama naman ay may pangalan na rin at mas batang male model din. Pati ganyan ba talagang may scandal na rin?
Anyway, tsismis lang iyan ha. Hindi namin masasabing totoo hanggang hindi niya naipapadala sa amin ang sinasabi niyang kopya ng scandal.
Minsan naman kasi basta sinabi niya, nauuna pang kumalat sa social media. Kagaya nga noong isa, after two days kumalat na. Kuha daw ang scandal sa abroad.
- Latest