^

Pang Movies

Kitang-kita sa mata... Pia parang nainggit nang ikasal si Pauleen!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Kahit na sobrang hectic ang schedule ni Miss Universe 2015 Pia Alonzo Wurtzbach, tinupad niya ang pangako sa kanyang best friend na si Pauleen Luna na darating siya sa wedding nito kay Vic Sotto dahil isa siya sa mga bridesmaids.

Sa naturang kasalan nga, hindi gumawa ng anumang eksena si Pia dahil araw iyon ni Pauleen at ito ang dapat pagkaguluhan ng mga tao at ng mga photographer.

Walang suot na korona at sash si Pia as Miss Universe dahil nandoon siya bilang isang bridesmaid at ang reyna ng araw na iyon ay si Pauleen.

Nag-tweet si Pia ng: “I’m so excited to see my best friend get married.”

Kakaiba nga raw ang glow ni Pauleen noong maglakad na ito papuntang altar. Isang radiant bride nga raw ito at walang makakaagaw o makakasapaw sa kanya sa araw na iyon.

Kita raw sa mga mata ni Pia na tila naiinggit ito sa kanyang best friend dahil nahanap na nito ang lalaking makakasama nito habang-buhay. Samantalang siya kasi ay wala pang matatawag na boyfriend.

Sa ngayon daw, ang boyfriend ni Pia ay ang kanyang Miss Universe crown.

Anak ni Gino Padilla, hindi bitter kahit napunta si Nadine sa iba

Ang Viva young actor at anak ng ‘80s singer Gino Padilla na si Josh Padilla ang isa sa original na ka-loveteam ng sikat na ngayon na si Nadine Lustre.

Naging ka-loveteam ni Josh si Nadine nang gawin ng TV5 ang series na Bagets noong 2011.

Ka-love triangle pa ng love­team nila ay si AJ Muhlach.

Masaya si Josh sa nangyari sa career ni Nadine ngayon dahil naging very successful ang team-up nito with James Reid.

Hindi naman daw nanghihinayang si Josh na hindi nag-take off ang naging tambalan nila ni Nadine.

“When Nadine and I were paired four years ago, pareho po kasi kaming bago pa. They were testing us kung okey ba kaming dalawa sa TV.

“When Bagets started, okey naman po. We actually had fans na. Tapos sila rin ni AJ may fans na rin.

“Pero when Bagets ended, it was time na iba na ang gawin namin. I got into hosting events and I’m also a VJ in MTV Pilipinas. Mas nag-concentrate po ako doon.

“Si Nadine, she continued acting and she got lucky when she got paired with James Reid. That really started her career,” pahayag ni Josh.

Nakaramdam ba ng panghihinayang si Josh na hindi masyado nabigyan ng chance ang team-up nila ni Nadine?

“Well let’s put it this way… God has different plans for us.

“Yung nangyari sa amin ni Nadine, I guess it was meant to happen that way.

“I got into hosting while si Nadine, pinagpatuloy niya ang acting. Yung sa kanila ni James, meant to happen iyon.

“Siguro kung kami pa rin ni Nadine ang loveteam, it wouldn’t be like her team-up with James. It would be so different.

“But like what I always say, sobrang masaya ako for what is happening kay Nadine and James. They are both my friends at alam ko kung gaano sila kasipag sa trabaho nila.

“Wala akong panghihinayang kasi I was able to work with Nadine noong nagsisimula pa lang kami sa pag-arte.

“Nadine will always be my first leading lady,” ngiti pa ni Josh na kasama sa rom-com movie ng Viva Films at SMDC na Girlfriend For Hire kunsaan bida sina Andre Paras at Yassi Pressman.

Spotlight tinalbugan ang The Revenant ni Leonardo DiCaprio

Ang investigative drama na Spotlight ang nagwagi bilang Best Cast in a Motion Picture sa katatapos lamang na Screen Actors Awards or SAG Awards.

Tinalo ng Spotlight ang heavy favorite na The Revenant na nakuha naman ang award for Best Male Actor in a Motion Picture para kay Leonardo DiCaprio.

Ang nanalo namang Best Female Actor in a Motion Picture ay ang baguhan na si Brie Larson para sa pelikulang Room.

Ang SAG Award ay indication na mananalo rin sina Leo at Brie sa Oscars as best actor and best actress.

Naging gabi ng black actors ang SAG dahil sa pakapanalo nila Uzo Aduba (Best Female Actor in a Comedy Series: Orange Is The New Black); Viola Davis (Best Female Actor in a Drama Series: How To Get Away With Murder); Queen Latifah (Best Female Actor in a Mini-Series: Bessie) at Idris Elba na nanalo ng dalawang awards: Best Male Supporting Actor in a Motion Picture for Beasts of No Nation at Best Male Actor in a Mini-Series for Luther.

 

ACIRC

ACTOR

ANG

BEST

BEST FEMALE ACTOR

BEST MALE ACTOR

GINO PADILLA

JAMES REID

MISS UNIVERSE

MOTION PICTURE

NADINE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with