Valentine concert nina Alden at Maine, kanselado!
Tumataginting na P20 million pala ang offer ni Joed Serrano kina Alden Richards and Maine Mendoza AKA Yaya Dub for a Valentine concert this year sa Smart Araneta Coliseum.
Pero hindi na nga ito matutuloy dahil sa hectic schedule ng dalawa pero may Valentine offering pa rin ang kanyang CCA Entertainment Production, ang Panahon Ng May Tama #Comi-Kilig featuring three of the country’s popular comedy acts na sina Gladys “Chuchay” Guevarra, Ate Gay and Boobsie Wonderland plus the special participation of Metro Manila’s hottest FM radio personality na si Papa Jack. Gaganapin ito sa Big Dome on Feb. 13 mula sa direksyon ni Andrew de Real.
Sa presscon ng nasabing show ay nagbigay ng pahayag si Joed tungkol sa kanyang P20-M offer for AlDub.
“This is my official statement regarding sa offer ko noon, doon sa 8 digit, 20-million pesos for AlDub’s Valentine concert this year. As you can see, totoo ‘yung date ko kasi, nasa akin ‘yung date na Feb. 13 and 14 ng Araneta. After formalizing the offer with the contract, I patiently waited for reply and decision from Alden Richard’s and Maine Mendoza’s respective managers. Nakausap ko sila nang paulit-ulit. “Okay, my offer is not only for Araneta, may offer din ako for the local tour at international. So, late last year, they informed me that the planned concert for 2 nights this February 13 and 14 nga would require much time and effort for preparation. Totoo naman din kasi ang pagpe-prepare ng concert, eh matagal.
“So, kung ang artista eh medyo busy, magsa-suffer ‘yung concert. Plus of course, there’s a different plan from GMA 7 and TAPE office (humahawak ng career nina Yaya Dub and Alden) for the two of them.”
May posibilidad pa rin naman daw na matuloy ang concert ng AlDub within the year, pwedeng middle of the year or sa latter part, depende sa mapag-uusapan.
Ate Gay hindi kabado sa katapat na concert nina Regine at Martin
Sa nasabing Panahon Ng May Tama presscon pa rin ay natanong sina Gladys, Boobsie, Ate Gay, and Papa Jack kung may kaba ba silang nararamdaman na kasabay nila on Feb. 13 ang Royals Valentine concert nina Martin Nievera, Regine Velasquez, Erik Santos and Angeline Quinto na gaganapin naman sa Mall of Asia Arena.
“Wala naman,” sambit ni Ate Gay. “Kasi, iba ‘yung ano nila, eh, iba ‘yung atake nila sa mga manonood. Siguro, sa A,B,C crowd, may A and B kami na iilan pero nasa amin ang C, D, E, F, G, H, I, J, K, L, M, N, O, P, mga ganu’n,” sabay-tawa.
Dagdag pa ni ate Gay, “ang aim lang naman namin ay magpasaya ng tao. Sila rin, ganu’n. Wala kaming kaba.”
Ayon naman kay Gladys, may kaba rin siyempre pero just like what Ate Gay said, iba nga ang tema nila.
“Hindi naman po namin sinasabi na “sa amin na lang kayo manood, huwag kayong manood sa kanila”, kanya-kanya naman pong ano ‘yan, eh.
“Kaya lang, kakaiba nga po ‘yung offer namin na usually ‘pag Valentine, kantahan, sweet-sweet-an, loveteam-an, ganyan. Susubukan po natin ngayon na puro pasabog na katatawanan lang. Gagawin nating comedy,” sey pa ni Gladys.
Korina hindi nakakalimutang “gantimpalaan” ang staff at crew
Sobrang nag-enjoy si Korina Sanchez-Roxas sa katatapos lamang na taunang planning session para sa kanyang top-rating at award-winning na programang Rated K na ginanap sa Baguio kung saan nakasama niya ang kanyang staff at crew.
Ito raw ang sikreto sa likod ng tagumpay ng Rated K – sila ay isang buong pamilya na nagkakaisa sa iisang layunin: ang magbigay ng mga kakaiba at kamangha-manghang mga istorya para sa mga Pilipino bawat Linggo ng gabi.
Kilala si Korina sa industriya bilang isang no non-sense na perfectionist ngunit iilan lamang ang nakakaalam ng lighter side ng magaling na TV host.
Karamihan sa kanyang mga staff at crew sa Rated K ay nagsimulang magtrabaho sa ilalim ni Korina mula pa noong dekada 90 nu’ng namamayagpag sa ere ang Balitang K.
Napakahalaga para kay Korina ang taunang planning sessions ng Rated K dahil ito lamang ang pagkakataon na makasama niya ang kanyang mga katrabaho upang gumawa ng creative strategies at makipag-bonding na rin kasama ang kanyang mga staff na napakatagal na niyang nakasama.
- Latest