^

Pang Movies

Telon tuluyan nang ibinaba!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Wala sa aming plano noong araw na iyon, pero ewan kung bakit nga ba namin naisip kung kailan gabi na, na puntahan ang last taping day ng Walang Tulugan With the Master Showman. Nakita namin kung papaanong masiglang sinimulan iyan ni Kuya Germs 20 years ago, gusto naming makita kung papaano nila tatapusin  ngayong wala na siya.

Natatandaan pa namin, 20 years ago, nagsimula ang Walang Tulugan nang punung-puno ng pag-asa. Ibinigay iyan kay Kuya Germs matapos na sibakin ang dalawa sa kanyang high rating shows, ang That’s Entertainment at GMA Supershow. Ang sinasa­bing dahilan ng ilang namumuno sa network noon, mas­yadong matagal na raw ang dalawang shows at kailangan ang mga bagong ideas. Iyong ipinalit nila sa That’s Entertainment ay hindi tumagal ng dalawang taon. Iyong ipinalit din naman nila sa GMA Supershow ay inilalampaso sa ratings ng kalaban, hanggang sa ibalik nila ng halos kaparehong format ng show na iyon ngayon.

Si Kuya Germs, na itinapon hindi sa hatinggabi kung di sa madaling araw, nakapagpatuloy ng dalawampung taon, nakapagpasikat pa ng mga bagong artista, at siya nilang carrier sa kanilang cable network sa abroad.

Now it’s final. Tatlong shows pa ang kanilang ginawa noong early Saturday morning, meaning mapapanood pa ang show hanggang sa February 13. Iyon ang hinintay namin, ang closing ng Walang Tulugan.

Nagsimulang magsalita ng isang spiel si Ken Chan tungkol kay Kuya Germs, na sinundan niya ng isang awit na ang mensahe ay “tulog na”. Nang matapos ang kanta ni Ken, unti-unti na nilang isinara ang telon sa likod ng set. Tapos nagbigay ng mensahe ang mga co-host ng show, at lahat sila ay nagsasabing hindi naman iyon ang katapusan kung di simula ng panibagong buhay.

Off cam, sinasabihan ni John Nite ang ibang talents na huwag mawalan ng pag-asa. Kahit na papaano ay nakilala na rin naman sila dahil sa show, siguro naman may kukuha na sa kanilang iba.

Wala doon ang mga big star na napasikat ni Kuya Germs through the years. Siguro noong mga oras na iyon ay tulog na rin sila. At saka, ganoon naman talaga ang showbusiness. Ang malaking pagkakamali mo lamang na magagawa sa showbusiness ay iyong mag-expect. More often than not, you will end up disappointed.

Ibinaba na ang telon para sa master showman, iyong telon na minsan sa kanyang buhay ay siya ang nagbubukas at nagsasara, noong nagsisimula pa lamang siya sa Clover. Ngayon may mga humila na ng tali at nagsara ng telon para sa kanya.

Wala namang iyakan. Napansin namin na sa ending lahat sila ay nagpapalakpakan at nagsasayawan, kasi sabi nga nila iyon ang gusto ni Kuya Germs. Ayaw niya ng kahit na anong malungkot. Pero mababakas mo sa kanilang mga mukha na bagsak ang kanilang damda­min.

Nawala ang master showman, nawalan na rin ng pag-asa ang marami sa kanila na siguro sumikat pa kung hindi nga agad umalis ang kanilang tatay.

Pagkatapos ng closing number nila, marami pang ibang numbers ang kailangang gawin. Inuna na lamang nila iyon. Pagkatapos ng closing ay nagpaalam na rin kami. Una, madaling araw na rin iyon. Ikalawa gusto naming doon na tapusin ang ala-ala ng show na iyon ni Kuya Germs.

ACIRC

ANG

GERMS

IYON

IYONG

JOHN NITE

KEN CHAN

KUNG

KUYA GERMS

WALA

WALANG TULUGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with