^

Pang Movies

Pauleen walang planong i-give up ang career pagkakasal

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Sa Maldives ang honeymoon nina Bossing Vic Sotto at Pauleen Luna after their wedding tomorrow sa Ayala Alabang. Hinayaan ni Bossing na si Pauleen ang magsabi kung saan ang honeymoon nila. Pareho palang hindi pa sila nakararating ng Paris France, at doon sana nila gustong pumunta for their honeymoon pero masyado raw malayo, kaya sa ibang pagkakataon na lamang sila pupunta roon.

Samantala, tuloy pa rin si Pauleen as one of the hosts ng Eat Bulaga after their wedding. Hindi na raw lamang siya tatanggap ng soap dahil matagal ang taping ng isang drama series, idi-devote na lamang niya ang ibang oras niya sa pag-aalaga kay Vic bilang misis nito.

Kalyeserye back to the present na uli

Dahil 28th weeksary kahapon ng AlDub, back to the present ang drama nina Alden at Yaya Dub. Hindi pwedeng mawala ang bouquet of flowers ni Alden at sinabuyan pa nito ng rose petals ang dinaanan nila ni Yaya papunta sa main studio dahil ni-request nina Tito Sen, Vic Sotto, Joey de Leon, at Allan K na doon sumayaw ang dalawa para makita ng studio audience. 

Kilig na kilig ang fans sa sweetness nina Alden at Maine. Itinuloy doon ang paghahanap ng ina ni Nidora (Paolo Ballesteros) sa kanila ni Anselmo, hanggang sa audience ay tinanong niya kung nakita nila ang dalawa pero walang nagturo kung nasaan ang mga ito. 

Matupad na kaya ang paulit-ulit na pangako ng mga pulitiko sa Maynila?!

Si Representative Amado Bagatsing ng 5th district of Manila kaya ang makatupad sa laging ipinapangako ng mga pulitiko na gawing sentro ng sining, kultura, at kasaysayan ang Manila, tuwing election time? Isa na rito ang reconstruction ng Metropolitan Theater (MET) na noong buhay pa si German Moreno ay nag-try na buhayin ito, pero hindi nagtagal dahil may utang daw ang MET sa GSIS. Pero ngayon daw ay nasa National Commission on Culture and Arts (NCCA) na ito at pwede nang ituloy ang reconstruction, sakaling siya ang manalong mayor ng siyudad.

Marami raw silang magagandang balak para ibalik ang glory days ng Manila, tulad ng pagsuporta nilang gagawin sa mga producer at director para makagawa ng mga magagandang pelikula sa mainstream at indie films, at sa Metro Manila Film Festival (MMFF). Ang Roxas Blvd. daw ay magiging place for painters and musicians tulad ng nakikita sa mga kalye sa Paris. Magiging inspirasyon daw ng mga painter ang breathtaking Manila Bay sunset, musicians can play their instruments or songs freely dahil malinis at sariwa ang hangin mula sa Manila Bay. 

Muli rin nilang pagagandahin ang Intramuros at makikipag-coordinate sila sa mga hotel at restaurant associations, police at barangay para maging maa­yos at safe ang mga taong mamamasyal doon. Sana nga, sana!

ALLAN K

AMADO BAGATSING

ANG

ANG ROXAS BLVD

AYALA ALABANG

MANILA BAY

MGA

NBSP

QUOT

STRONG

VIC SOTTO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with