^

Pang Movies

Guwardiyado ang simbahan at reception... Gatecrashers mahihirapang pumuslit sa kasalan

Jun Nardo - Pang-masa

Pack-up na si Pauleen Luna sa tinitirhang bahay! Idinispley niya sa kanyang Instagram account ang gamit na inempake upang dalhin sa ipinagawang bahay nila ni Vic Sotto.

Bukas na ang kasal nila sa isang simbahan sa Alabang. Naku, tiyak na no way ito para sa gatecrashers, huh!

Ilan nga sa invited ay kamag-anak ni Poleng. Isang hotel na malapit sa venue ang tutuluyan nila at ilang rooms ang kinuha ni Pauleen para tuluyan ng kamag-anak.

Pink at taupe ang motif ng kasal. Sa Maldives ang honeymoon nila. Komo tapos na ang Eat Bulaga sa araw ng kasal, malamang na ‘yung pangyayari bago ang kasal ang mapanood ng tao. Siyempre pa, hindi puwedeng mawalan ng isang wedding special mula sa management ng noontime show, huh!

Vin tanggap na mas marami nang kaagaw sa TV5

Wala raw insecurities na nadarama si Vin Abrenica kung nagiging balwarte na ng Viva artists ang TV5. Halos lahat kasi ng bagong shows na produced ng Viva Communications ay pinagbibidahan ng artista ng Viva, huh! Eh nang manalo sa artista search ng TV5, namayani sa iba’t ibang show ang younger brother ni Aljur Abrenica

“For me, it doesn’t matter. Kasi natutuwa ako na dumarami kami. Kasi we’re all family here. Insecurites, wala. ‘Yung ibang shows nga sobrang dami eh.

“As long as I think kung may ibubuga, I think you have to be secured,” katwiran ni Vin na nasa cast ng TV-movie na Wattpad Presents Mysterious Guy at the Coffee Shop kapareha si Yassi Pressman.

Tito ni Raymond itinanggi ang pagiging babaero

Tinig daw ng kabataan ang Manila mayor candidate na si Con­gress­man Amado Bagatsing. ‘Yung mga kalaban niyang sina Mayor Joseph Estrada at dating Mayor Alfredo Lim ay nasa liyebo otsenta na, huh!

“Liyebo sisenta pa lang tayo pero may asim pa! Ha! Ha! Ha!” biro ni Cong. Bagat­sing nang makausap ang entertainment press.

Anak si Cong. Amado ng dating Manila Mayor na si Ramon Bagatsing. Naalala niyang kasama siya sa naging biktima ng Plaza Miranda bombing nu’ng dekada 70 sa edad na 21 years old.

Eh ang balita, siya raw ang nangungunang mayor sa surveys na naglalabasan. “Ang pinaniniwalaan kong surveys ay ‘yung after ng elections. ‘Yung surveys na ganyan, manifestation lang na gusto ng mga tao ng pagbabago,” rason niya.

Sakop niya ang tinatawag na Tourist Belt sa Maynila. Kaya naman kung sakaling papalarin, gusto ni Cong. Bagatsing na gawing sentro ng kultura, sining, at history ang siyudad.

Ilan sa proyekto niya ay i-revive at i-reconstruct ang Metropolitan Theater, inventories ng theaters, at bigyan ng mas malawak na suporta ang Filipino films.

Teka, babaero ba siya tulad ng  pamangkin niyang si Raymond Bagatsing?

“Hindi babaero si Raymond. Ako rin  naman, hindi kahit meron akong two girls and two daughters! Ha! Ha! Ha!” tugon ng kongresista sa 5th district ng Maynila dahil annulled na ang una niyang kasal kung saan meron siyang dalawang anak na babae sa una at dalawang babae rin sa asawa ngayon.

ACIRC

ALFREDO LIM

ALIGN

ALJUR ABRENICA

AMADO BAGATSING

ANG

COFFEE SHOP

LEFT

QUOT

STRONG

YUNG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with