^

Pang Movies

Sunshine puring-puri ang anak ni Cesar sa iba

Jun Lalin - Pang-masa

MANILA, Philippines – Puring-puri ni Sunshine Cruz si Diego Loyzaga, anak ng estranged husband niyang si Cesar Montano kay Teresa Loyzaga.

Nagpasalamat din si Sunshine kay Diego dahil kahit abala na ito sa pag-aartista ay may panahon pa rin itong makipagkita sa kanyang Tres Marias.

Inilabas kasi ni Diego ang tatlong half-sisters niya at mga anak ni Sunshine.

Hindi lang basta nakipag-bonding at nagpaka-kuya si Diego sa kanyang half-sisters dahil siya pa ang nag-treat sa mga ito.

Sabi ni Sunshine, malaking bagay para sa kanya ang kabaitan ni Diego sa kanyang mga anak.

Puring-puri rin ni Sunshine ang pagpapalaki ni Teresa kay Diego.

Speaking of Diego, marami nga palang fans ng binata ang lungkot na lungkot dahil namatay na ang character na ginagampanan niya sa Pangako Sa ‘Yo.

Bale, tatlong linggo na lang ang itatagal sa ere ng nasabing teleserye ng ABS-CBN.

Dating That’s Entertainment member, ‘itinakwil’ ang mga kamag-anak sa FB

Marami ang nalungkot sa ipinost sa kanyang Facebook account ng isang dating That’s Entertainment member at anak ng dalawang yumaong veteran stars.

Tinanggal ang dating That’s Entertainment member na nagkontrabida rin sa ilang mga proyekto noong kabataan niya ang ilang mga kamag-anak niya sa friends list niya sa FB dahil karamihan daw sa mga ito ang tingin sa kanya at sa kanyang pamilya ay parang dolyar lang (based siya sa Amerika).

Noong namatay daw ang nanay niya na kilalang character actress, hindi man lang daw nag-volunteer na tumulong ang mga kamag-anak nilang ito without getting paid.

Noong nabubuhay naman daw ang kanyang nanay ay tumulong ito sa mga kamag-anak nila without asking anything in return.

Naging very vocal daw ang dating That’s Entertainment member sa nararamdaman niya sa mga kamag-anak na ito para maging aware sila sa kanilang mga pinaggagagawa, pero nag-wish pa rin naman siya na makahanap ng peace ang mga kamag-anak na ito.

Anak ni Regine, makikikanta rin sa concert?!

Um-attend sa Royals presscon kahapon ang anak ni Regine Velasquez-Alcasid na si Nate.

Malapit lang kasi ang eskuwelahan ni Nate sa venue ng presscon ng Royals.

Alam ni Nate na nagtatrabaho ang nanay niya, kaya hindi niya inistorbo si Regine at very behave siya habang ginaganap ang question and answer segment ng Royals presscon.

Nagyaya lang umuwi si Nate nang alam niyang tapos na ang presscon.

Biniru-biro ko nga pala si Nate na kakanta siya sa Royals concert sa February 13 sa MOA Arena dahil noong Regine at the Theater concert series ng nanay niya ay may special participation siya.

Sa February 13 na nga pala ang MOA Arena Royals concert, kaya almost sold-out na ang tickets para sa concert na ito nina Regine, Erik Santos, Angeline Quinto, at Martin Nievera!

Kahit hindi bantayan Sarah guwardiyado ng mga ‘mata’ ni Mommy Divine

Kahit hindi pala madalas na sumasama si Mommy Divine sa mga lakad ng anak na si Sarah Geronimo, may mga “mata” pala ito na nagmamatyag sa bawat kilos ng anak.

Natawa ang source ko nang ikuwentong habang katabi niya sa isang event si Sarah ay panay raw ang text ni Mommy Divine at nakasaad sa text messages nito sa anak ang mga ginagawa ng Pop Star sa event na ‘yon.

May palagi palang nagre-report kay Mommy Divine ng bawat kilos ni Sarah.

Ang duda ng source ko, ang bodyguard ni Sarah ang palaging nagre-report kay Mommy Divine.

vuukle comment

ACIRC

ANAK

ANG

ANGELINE QUINTO

ARENA ROYALS

CESAR MONTANO

ITO

MGA

MOMMY DIVINE

NATE

NIYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with