^

Pang Movies

Kahit iniba pa ang kwento, Kalyeserye nina Alden at Maine, lumaylay na?!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Hindi namin alam kung ano ang magiging epekto ng tila flashback na kuwento ngayon ng sinasabi nilang kal­yeserye. Nagbalik ang kuwento sa isang matagal nang love story ng lola, kung saan pilit din iyong pinahihiwalay ng kanyang nanay sa isang manliligaw na mahirap lamang.

Natural, ang gumanap na lola na bata pa noon ay si Maine Mendoza, at ang mahirap na manliligaw naman niya ay si Alden Richards.

In short, binago na nga ang kuwento, ganyan naman talaga ang mga serye sa TV. Maaaring baguhin nila ang kuwento pero pareho pa rin ang mga artista.

Nakakatawa nga lang, dahil sabi nila iyon ay naka-set sa panahong ni wala pang telebis­yon, at definitely wala pang computer pero nag­da-dubsmash na rin sila.

Kung sa bagay, comedy naman iyan eh. Hindi mo naman talaga dapat na seryosohin.

Sayang eh hindi namin napanood iyong kanilang pagbabagong ginawa. Sana nakita natin kung ano nga ang bago sa content. Kasi iyon ang sinasabi ng lahat halos eh, kaya parang lumamig iyong AlDub ay dahil walang nang­yayari sa kuwento, puro pakilig na lang.

Ngayon medyo binabago na nga nila ang kuwento pero may kuneksiyon pa rin, dahil kuwento pa rin iyon ng kanilang main characters, base sa noon pa pinag-uusapang diary, na nanakaw na nga ng riding in tandem at kung anu-ano pa.

Hindi rin namin masasabing wise decision sa kaso nila na umangkla pa rin sa sinimulan nilang kuwento, o sabihing mas maganda pa siguro kung totally pinalitan na ang kuwento nila. Wala namang makapagsasabi niyan hanggang hindi nakikita ang reaksyon ng publiko.

Ang basehan mo lang, kung mag-click iyan at muling bumalik ang kanilang popularidad, right decision iyan. Kung hindi naman baka mali. Kung sabihin nga ng mga sugarol, ‘forced to good”.

Sa ngayon, masasakyan pa naman ang popularidad noong AlDub. Sikat pa naman talaga sila. Pero may isa pang dahilan ang “pagsasawa” at iyon ay ang katotohanang nakikita na sila kahit na anong oras, kahit na saan dahil sa sunud-sunod nilang commercial endorsements.

Aba, eh hanggang sa tren nakikita na sila. Iyong “saturation point” ang isang factor na hindi nila napag-isipan.

Relasyon nina John Lloyd at Angelica, simula pa lang wala nang tibay!

Talaga naman sigurong hindi na dapat pang magsalita si Zanjoe Marudo tungkol sa naging hiwalayan nila ni Bea Alonzo. Una, kung ano man ang dahilan ng kanilang split ay personal lamang at wala naman talagang kinalaman ang kahit na sino.

Isa pa, hindi ugali ng Pinoy na ang lalaki pa ang nagkukuwento ng mga ganyang bagay.

Iyon nga lang, rumors had it, na nagkabalikan sina Bea at John Lloyd Cruz, at naiwan ngang nganga sina Zanjoe at Angelica Panganiban.

Iyon namang kina Angelica at John Lloyd ina­asahan namin iyan, kasi biglaan din naman ang kanilang relasyon. Hindi pa humuhupa noon iyong kuwento nina Angelica at Derek Ramsey na nang kalaunan ay nalaman ng lahat na nag-live in din pala for some years, pumasok na agad sa kuwento si John Lloyd. Iyong mga ganoon, puro emosyon iyon.

Hindi mo talaga masasabing matibay ang mga ganoong relasyon.

Ngayon, iyan ay parang serye na lang sa telebisyon. Sasabihin na naman natin, “abangan ang susunod na kabanata”.

Iyan talagang love story ng mga tao sa show business, magulo at kung minsan wala halos katahimikan. Hindi naman lahat pero karamihan ay ganyan. Kaya nga mas mabuti pa na kung mai-in love sila, iyong sa hindi na taga-showbiz.

vuukle comment

ACIRC

ALDEN RICHARDS

ANG

ANGELICA PANGANIBAN

BEA ALONZO

HINDI

JOHN LLOYD

KUNG

KUWENTO

NAMAN

NGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with