^

Pang Movies

Hiwalayang Zanjoe-Bea hindi na shocking!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Hindi na shocking ang balita na hiwalay na sina Zanjoe Marudo at Bea Alonzo pero marami ang nalungkot sa nangyari sa relasyon nila. 

Inamin ni Zanjoe ang balita sa guesting niya sa Tonight With Boy Abunda.

Hindi sinabi ni Zanjoe ang dahilan ng break up nila ni Bea at halata na apektado siya sa kinahinatnan ng kanilang love affair.

Nanghinayang din ako sa pagtatapos ng relasyon ng dalawa dahil parehong mabait ang dalawa.

Nakasama ko si Zanjoe sa isang Asian cruise noong hindi pa siya artista. Mabait at marespeto siya sa kapwa.

Hindi ko pa nakakasama si Bea pero alam ko na maganda ang ugali niya dahil sa mga kuwento ni Lorna Tolentino nang magkatrabaho sila noon sa isang teleserye ng ABS-CBN.

Sana nga, matupad kina Zanjoe at Bea ang sinabi ng aktor na naniniwala siya sa second chance.

Mother Lily kinukutuban ng maganda sa bagong pelikula

In good mood si Mother Lily Monteverde sa presscon ng Love Is Blind noong Miyerkules dahil sa P132 million gross ng Haunted Mansion, ang official entry ng movie outfit niya sa Metro Manila Film Festival 2015.

Masayang-masaya si Mother dahil surprise hit ng MMFF 2015 ang Haunted Mansion na hindi na-pull out sa mga sinehan at extended pa ang showing.

Malakas ang kutob ni Mother na magiging blockbuster din ang Love Is Blind kapag ipinalabas ito sa mga sinehan sa February 10.

Raving sa Love Is Blind ang lahat ng mga nakapanood sa trailer ng Valentine movie ng Regal Entertainment na pinagbibidahan nina Solenn Heussaff, Derek Ramsay, Kean Cipriano at Kiray Celis.

Jinggoy gustong ilabas ang Tatay sa mga sinehan

Iniisip na ni Senator Jinggoy Estrada na i-release sa mga sinehan ang pelikula na pinagbibidahan nila ng kanyang anak na si Jolo Estrada at Maja Salvador.

Hindi lang ako sure kung Tatay pa rin ang pamagat ng pelikula na matagal nang delayed ang showing.

Ang Tatay ang last movie ni Mark Gil. Matagal nang namayapa si Mark kaya may idea na tayo kung gaano na katagal ang pelikula ni Papa Jinggoy na mula sa panulat at direksyon ni Joey Reyes.

Perfect sana for Father’s Day sa June ang Tatay pero masyado nang matagal kung ipalalabas ito sa kalagitnaan ng 2016.

Tonton fully booked na

Balik-GMA 7 si Tonton Gutierrez dahil siya ang gaganap na tatay ni Barbie Forteza sa That’s My Amboy.

Patapos na ang mga teleserye ni Tonton sa ABS-CBN kaya tinanggap ko ang offer ng Kapuso Network.

Fully booked ang kalendaryo ni Tonton dahil sa darating na Lunes na ang airing ng That’s My Amboy kaya almost everyday ang taping niya at ng buong cast.

ALIGN

ANG

BEA

HAUNTED MANSION

LEFT

LOVE IS BLIND

MY AMBOY

QUOT

STRONG

TATAY

ZANJOE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with