^

Pang Movies

Lakbay2Love pitong buwan bago natapos

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Graded A ng Cinema Evaluation Board (CEB) ang Lakbay2Love, ang pelikula nina Dennis Trillo at Solenn Heussaff na showing sa mga sinehan sa February 3.

Matagal na hindi gumawa ng pelikula ang female director na si Ellen Ongkeko Marfil kaya pihadong tuwang-tuwa ito sa mataas na grade na ibinigay ng CEB sa Lakbay2Love.

I’m sure, masaya rin si Dennis dahil Graded A din ng CEB ang pelikula niya noong October 2015, ang Felix Manalo.

Si Solenn ang love interest ni Dennis sa Lakbay2Love na tumagal ng pitong buwan ang filming. Hindi nasayang ang matagal na paghihintay ni Ellen na maipalabas sa mga sinehan ang pelikula niya dahil sa magandang regalo na kanyang natanggap. Ang Lakbay2Love ang unang pelikula sa 2016 na Graded A ng CEB.

Solenn babad sa mga sinehan sa Pebrero

Magkasunod na linggo ang showing sa Philippine theaters ng mga pelikula ni Solenn, ang Lakbay2Love at Love Is Blind na may playdate sa February 10.

Perfect for Valentine’s Day ang Solenn-Derek Ramsay movie dahil tungkol ito sa pag-ibig.

Si Kiray Celis ang alter ego ni Solenn sa Love Is Blind. Sa trailer pa lang ng pelikula, may idea na agad ang mga tao tungkol sa kuwento ng unang pelikula ng ex-lovers na sina Solenn at Derek.

Natatandaan ko ang pralala ni Solenn bago ito sumali sa Survivor Philippines circa 2010. Ikinuwento ni Solenn na teenager pa lang siya nang makarelasyon niya si Derek na hindi pa artista noon.

Panganay na babae nina Boyet at Sandy aarte na rin

Talent na rin ng Viva Artists Agency si Mariel de Leon, ang panganay na anak na babae nina Christopher de Leon at Sandy Andolong.

Mapapanood si Mariel sa Bakit Manipis Ang Ulap? ng TV5 at Viva Communications, Inc.

Nag-join si Mariel sa Bb. Pilipinas noong 2013 at hindi man nag-win, napansin siya ng mga tao.

May mga kumukumbinsi kay Mariel na sumali sa Bb. Pilipinas 2016 dahil good example si Pia Wurtzbach na nagtiyaga at hindi nawalan ng pag-asa.

Nagbunga ng bongga ang tatlong beses na pagsali ni Pia sa Bb. Pilipinas dahil siya ang nag-win na Miss Universe noong December 2015.

Hindi ko nakakausap si Mariel, pati ang kanyang madir na si Sandy Andolong na nagbabakasyon sa New Zealand kaya hindi ko alam ang mga plano ng bagets.

Nagdiwang ng birthday si Sandy sa New Zealand noong January 16. Dinalaw niya ang panganay na anak na si Rafael na isang brand new dad. Baby girl ang bagong apo nina Christopher at Sandy.

Claudine mukhang artista na ulit!

Iisa ang reaksyon ng mga tao nang makita nila ang hitsura ni Claudine Barretto nang umapir ito sa presscon ng Bakit Manipis Ang Ulap?.

Obvious daw na pinaghandaan ni Claudine ang pagbabalik-telebisyon dahil fully made up siya. Bumalik na raw ang pagiging mukhang artista ni Claudine na medyo nakalimutan ang mag-ayos noong mga panahon na problemado siya sa personal na relasyon nila ni Raymart Santiago.

Good friends na uli sina Claudine at Raymart pero hinding-hindi na sila magkakabalikan at mismong ang aktres ang nagsabi sa presscon ng Bakit Manipis Ang Ulap?. Na-appreciate ng mga reporter ang mga statement ni Claudine dahil sinabi nito ang lahat ng mga gusto nila na marinig.

vuukle comment

ANG

BAKIT MANIPIS ANG ULAP

CLAUDINE

GRADED A

HINDI

LOVE IS BLIND

MARIEL

MGA

NEW ZEALAND

PELIKULA

SOLENN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with