Baka maging dancer din paglaki panganay nina Marian at Dingdong nahihilig na agad sa upbeat music
Inamin ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes sa CelebriTV last Saturday na mas concerned siya sa kanyang mag-ina nang isilang ni Marian Rivera ang anak nilang si Baby Letizia noong November 23, 2015 kaysa mag-emote siya nang makita na niya ang anak nila.
All the while kasing nagli-labor si Marian (for 18 hours), naroon siya kaya nang makita na niya ang anak, mas inuna niyang alamin ang kanilang kalagayan.
After daw nalinis si Baby Letizia, saka siya nag-emote at noon pa lang ay nakita na niyang si Marian talaga ang kamukha ng anak. Mula sa mahabang eyelashes at parang nakangiting lips nito, Marian na Marian talaga.
Hindi raw sila nahihirapang mag-alaga sa kanilang anak dahil tulog ito lagi pero nakabantay daw siya sa gabi.
Ngayong almost two months na si Baby Zia, napapansin daw nilang kapag nakakarinig ito ng up-beat music ay nagri-react ito. Biro nga nina Joey de Leon at Manay Lolit Solis, baka mana pa sa kanila ang anak sa pagiging dancer nilang mag-asawa.
When asked kung kailan ang binyag ni Baby Zia at sinu-sino ang magiging ninong at ninang, ayon kay Dingdong, inaayos pa raw nila pero by February, magaganap ang binyagan.
Ang naibigay pa lamang niyang sure na ninang ay si AiAi delas Alas at ninong naman si Gabby Eigenmann. Tiyak na sa rami ng gustong maging ninang at ninong, mahihirapan talaga ang mag-asawang piliin kung sinu-sino ang mga ito. Sa pagbalik muli ni Marian sa trabaho, tiyak daw na una nitong babalikan ang Sunday comedy-variety show na Sunday PinaSaya.
Bianca at Miguel huhusgahan na
Kahapon, sa Sunday PinaSaya, nagpasalamat si Alden Richards sa GMA network na pinili ang song niyang Wish I May (na double platinum na ang album) para gawing title ng bagong afternoon prime drama series nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali. Nag-sample pa siya ng ilang lines ng song upon the request of his co-host AiAi delas Alas.
Kung sa papalitan nilang top-rating show na The Half-Sisters ay kambal ang magkapatid na dalawa ang ama, dito naman sa Wish I May, may chimerism si Camille Prats, isang rare condition na ang taong mayroon nito, pwedeng magkaroon ng dalawang sets ng DNA.
Sa story kasi, nabuntis ni Mark Anthony Fernandez si Camille. At the same time, nabuntis din ni Mark Anthony si Rochelle Pangilinan. Nang kunin ni Juan Rodrigo si Camille dahil ayaw niya kay Mark Anthony, anak na niya si Bianca, na ipinagkatiwala niya sa kaibigang si Alessandra de Rossi. Si Miguel naman ang anak nina Mark Anthony at Rochelle.
Mula mga bata pa ay naging malapit na sa isa’t isa sina Tristan (Miguel) at Carina (Bianca). Pansamantala silang nagkahiwalay pero muling nagkita nang mga teens na sila, at na-in love sa isa’t isa.
Saka naman muling nagkita sina Olivia (Camille) at Clark (Mark Anthony) kasama ang kani-kanilang mga anak. So, paano ang mangyayari kung paglalayuin ang kapalaran nina Tristan at Carina, dahil magkapatid pala sila, iisa ang kanilang ama? Malulutas ba ito ng chimerism ni Olivia?
Mapapanood na simula mamayang hapon ang Wish I May na dinidirek ni Neil del Rosario at nagtatampok din kina Glydel Mercado, Reil Ryan Sese, Ashley Ortega, Prince Villanueva, pagkatapos ng Eat Bulaga.
- Latest