^

Pang Movies

Mga istoryang ipalalabas sa Sari-Sari Channel, hinalungkat pa sa library

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa

For 2016, may isang pahabol ang TV5 na mga bagong panoorin, kasama na ang limang unang ini-announce nila na Ang Panday, Born to Be a Star, Manipis ang Ulap at iba pa.

Ang latest na produced ng Viva Communications at MVP Groups Mediaquest ay pinamagatang Sari-Sari Channel on Cignal TV.

Ito palang Cignal TV ay number one sa bansa or Pay TV service provider with over 1.18 million subscribers at lalo kayong ma-i-excite sa sinasabing Sari Sari Channel dahil magiging isa na itong TV show na mapapanood na may mga kuwento na tungkol sa mga kabataan, love escapade, comedy, drama, horror, musika at iba pa.

Isa na namang kaabang-abang na programa every Friday night, ika-11 o’clock.  Swak na swak ang joint adventure ng Viva Communications at TV5 na karamihan sa featured stories ay hinalungkat pa sa kanilang libraries.

Isa sa top at mala-klasik na episode na mula sa panulat ni Enah Guevarra ay ang Class 3-C Has a Secret, isang escapade ng mga boys and girls ng Laketon Academy na tampok ang mga young talent na sina Yassi Pressman, Bret Jackson and Joshua Padilla, ang horror mystery na naman na Barrio Kulimlim ay tampok sina Ara Mina, Meg Imperial and Shy Carlos, at airing ito sa February 12, Friday night, 11 o’clock.

Bukod pa ang Kuya and Me.  At sino pa ang wonder boy na itatampok, e, ‘di si Alonzo Muhlach with his totoong kuya na si AJ Muhlach (anak ni Tito Cheng Muhlach) and Shy Carlos.  Ito ay sa direksyon ni Mark Meilly, na magsisimula sa January 29 (Friday).

Featured din sa Sari-Sari Channel on Cignal TV ang isang telemovie entitled Dalawang Gabi sa direksyon ni Joel Lamangan at tampok ang new face na si Michelle Madrigal, kasama sina Mark Bautista at Wendell Ramos.

Young talent pinagsasamantalahan

ng humahawak ng career

Grabe ang nangyari sa isang young ta­lent at ng kanyang kinilalang foster guardian.  Regarding ito sa abuso sa datung.

In other words, pagsasamantala.  Sino kaya ang may kasalanan, the young talent or the guardian or somebody na nasa likod ng young talent. Guess n’yo na lang!

Kung itutuloy ang Walang Tulugan… Nora kailangan ng ‘gabay’ ni Kuya Germs

Tuloy pa rin ang Walang Tulugan sa GMA 7, ang 20 year-old na TV show na talagang walang tulugan at ito ang show na love na love ng yumaong Master Showman na si German “Kuya Germs” Moreno.

After daw ng January, saka malalaman ang desisyon, kung tuloy pa or walk out na.  Pero malamang hindi papayag si Kuya Germs.  Gagabayan niya ito kahit nasa kabilang buhay na siya.  E, kasi, baka raw ‘di makaya ng gustong mag-produce ng show dahil magastos.  Si Kuya Germs kasi ang producer at gusto niyang maganda ang Walang Tulugan, siya lahat ang gumagasta, sa setting, decors, staff at mga pralalas.

From his own pocket.  Pero take note, nabalitaan namin na ang bestfriend ni Kuya Germs, ang Superstar ang magtutuloy ng show, as producer, nanay, supporter, adviser at pag-aalaga ng staff at talents.  Yehey!  Clap! Clap!.  Kaya mo yan Ate Guy!  Ikaw pa!  Aalagaan ka ni Kuya Germs!

ACIRC

ALONZO MUHLACH

ANG

ANG PANDAY

CIGNAL

KUYA

KUYA GERMS

NBSP

SARI-SARI CHANNEL

VIVA COMMUNICATIONS

WALANG TULUGAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with