Alden tutok sa ipinagagawang bahay
Ni-release ng clothing brand na Bench ang mga behind-the-scenes videos ni Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub noong mag-photo shoot ito para sa naturang brand.
Hindi nga raw nagkamali ang company founder na si Ben Chan sa pagpili kay Yaya Dub bilang isa sa endorsers ng Bench.
Balitang hinahanap ng marami ang suot ni Yaya Dub sa napakalaking billboard nito sa may Guadalupe, EDSA.
Na-post din sa Instagram ang behind-the-scenes ng commercial shoot ni Alden Richards para sa Bench Fix Salon.
Worried na nga ang AlDub Nation sa kalusugan ni Alden. Hindi kasi sila sanay na matagal itong wala sa kalyeserye.
Nasabihan na nga raw ni Yaya Dub na “matigas ang ulo” ni Alden dahil hindi raw nito alam ang salitang “pahinga”.
Sinasamantala nga naman ni Alden ang mga pagkakataon na dumarating sa kanya ngayon. Ika nga, “strike while the iron is hot”.
Mukhang wala namang kapaguran si Alden dahil natupad na ang wish niyang makapagpagawa na ng bahay para sa kanyang pamilya.
Personal na inaasikaso ni Alden ang bahay na kanyang nabili at pinapa-renovate sa Nuvali in Santa Rosa, Laguna.
Kapag wala raw siyang schedule na show or personal appearance, ang pinapagawang bahay ang kanyang pinupuntahan at inaasikaso.
Camille nahahawa sa pagiging ‘malalim’ ni Mark
Absent si Mark Anthony Fernandez sa press launch ng teleseryeng Wish I May kung saan makakasama niya ulit si Camille Prats na una niyang nakasama sa Munting Heredera.
Gaganap na ex-girlfriend ni Mark si Camille sa istorya ng serye na nabuntis niya noong mga teenagers pa sila. Biglang nawala si Mark at nagkaroon na ito ng ibang asawa played by Rochelle Pangilinan.
On the set ay wala raw masasabing problema sila Camille at Rochelle kay Mark dahil very professional ito sa set.
“I’ve worked with Mark in two teleseryes, Munting Heredera and Bukod Kang Pinagpala. Never naman kaming nagkaproblemang dalawa.
“Kapag nasa set si Mark, talagang serious yan. Pero kapag break, nakikipagtawanan ‘yan sa amin. Palabiro siya at alaskador,” tawa pa ni Rochelle.
Kaya wala talagang pahinga
Charlie Sheen ayaw nang magpagaling sa sakit na HIV?!
Inamin ng Hollywood actor na si Charlie Sheen na hindi na niya iniinom ang mga HIV medications niya dahil gusto niyang maghanap ng alternative treatment sa Mexico.
“I’ve been off my meds for about a week now. Am I risking my life? Sure. So what? I was born dead. That part of it doesn’t faze me at all,” sey pa ni Sheen sa show na Dr. Oz.
May kausap nga raw na doktor si Sheen na nagngangalang Dr. Sam Chachoua. Ayon kay Dr. Mehmet Oz, hindi raw ito licensed para mag-practice ng medicine sa U.S.
Noong November 2015, inamin ni Sheen na meron siyang HIV sa programang Today. Noong 2011 pa raw siya na-diagnose with HIV.
Na-depress nga si Sheen dahil sa huling check-up niya ay nakahanap ng undetectable amount of HIV virus sa dugo niya.
“I’m a little off my game, because right before I walked out here, I got some results that I was disappointed about.
“I know this is an experiment, that I took a stroll down a different path. But yeah, I’d been non-detectable and non-detectable and checking the blood every week, and then found out that the numbers were back up.”
- Latest