Kuya Germs babalik sa GMA!
This morning, January 13, after ng Holy Mass at 9:00 a.m. sa Mt. Carmel Shrine sa Broadway, Quezon City, ililipat na ang labi ni Master Showman German Moreno sa GMA Network. Dadaan muna ang carriage sa Broadway Centrum (na dito nagsimula ang That’s Entertainment), dadaan din sa Sampaguita Mansion at Sampaguita Studio, sa bahay ni Kuya Germs sa Valencia, Quezon City, diretso na sa GMA. Estimated time of arrival, between 11:30 a.m. to 12:00 nn.
Sa Studio 7 ng GMA Network Annex ang burol, na doon ginagawa ang mga special presentation ng Walang Tulugan at every Sunday ang Sunday PinaSaya, na nang magsimula ito, walang patlang na nasa audience siya at nanonood ng presentation.
Magkakaroon ng public viewing para sa fans and friends na gustong magbigay-pugay pa kay Kuya Germs from 2:00 p.m. to 5:00 p.m. Magkakaroon ng Holy Mass at 6:00 p.m. na susundan ng Necrological Service.
Muling magkakaroon ng public viewing at 10:00 p.m. onwards.
Bukas, Thursday, January 14, magkakaroon muna ng 9:00 a.m. Holy Mass sa Studio 7, bago tuluyang dalhin na ang mga labi ni Kuya Germs sa Loyola Marikina na doon din nakalibing ang kanyang ina.
Anak ni Sen. Bongbong, gusto ring mag-ala Jake Ejercito
Masaya ang meet-the-press lunch ni Senator Bongbong Marcos, kasama ang wife niyang si Liza Araneta at eldest son na si Sandro.
As we all know, kakandidatong Vice President si Sen. Bongbong. Sinamahan din sila ni Cristina Gonzales, wife ni Tacloban Mayor Alfred Romualdez, at siya namang kakandidatong Mayor ng Tacloban.
Later, dumating din si Congressman Martin Romualdez na kakandidato namang senador sa May, 2016 elections. Kita mo ang closeness ng mga Marcos at Romualdez.
Natanong si Sen. Bongbong kung tulad niya noong bata pa siya ay pwede bang pasukin ni Sandro ang pag-aartista. Nakatawa ang senador, sabi niya, “sige nga, kayo ang magtanong at magpaamin sa kanya, kapag kami ni Liza ayaw niyang magsalita. Kahit ang girlfriend, wala siyang sinasabi sa amin, nakikiramdam lamang kami.”
Pero wala ring isinagot si Sandro sa tanong. After the presscon, inamin ni Sandro na friend niya si Jake Ejercito na nag-aral din sa London at alam niya ang tungkol sa AlDub at kahit hindi niya napanood, alam niyang nasa show si Jake last Saturday.
Umalis na si Sandro kagabi for London pero babalik daw siya at tutulong sa kampanya ng ama, kahit daw kailangan niyang maghanda sa finals dahil graduating na siya sa June.
Pero hindi nalimutang matanong si Sen. Bongbong kung nakadalaw na siya sa burol ni Kuya Germs.
Nauna nga raw dumalaw sa kanya ang ina nilang si Madam Imelda Romualdez-Marcos na talagang naging very close sa Master Showman dahil pareho silang mahilig sa arts and culture.
Hindi rin nila makakalimutan ang lahat ng tulong ni Kuya Germs sa kanilang pamilya sa panahon ng kampanya.
- Latest