^

Pang Movies

Lumayo Ka Nga… dapat mapanood ng mga ‘ampalaya’

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Magaling talagang actor si Benjie Paras dahil sa trailer pa lang ng movie na Lumayo Ka Nga sa Akin ay nakakatawa na ang kanyang mga eksena.

Kahit sinabi ni Benjie sa isang interview na pinilit lang ang kanyang pagiging action star sa unang episode ng movie na Bala sa Bala, Kamao sa Kamao, Satsat sa Satsat. Excited si Benjie sa movie dahil first time niyang gumaganap na hero sa pakikipaglaban sa kontrabidang si Rez Cortez.

Aminado si Benjie na mas lalong gumanda pa ang mga eksena sa movie sa natural na pagpapatawa ni Candy Pangilinan. Bigla na lang kasing hihirit si Candy na instant kwela kaya mas lalo rin nilang na-enjoy ang movie sa direksiyon ni Mark Meily.

Muli namang magsasama sina Herbert Bautista at Maricel Soriano sa second episode ng movie na Shake, Shaker, Shakest. Paglalaruan ng pamilya ni Bistek at Maricel ang mga Pinoy horror movie sa direksyon ni Andoy Ranay.

Matatandaan na sabay lumaki sina Bistek at Marya sa John En Marsha sa pa­ngunguna noon ni Dolphy. Sey ni Bistek, wala raw nabago sa kanila ni Marya, ganundin ang Diamond Star sa pagiging professional ng actor/mayor.

Pinakaaabangan ng lahat ang episode ni Cristine Reyes na Asawa ni Marie kasama sina Paolo Ballesteros, Jason Gainza, at Antoinette Taus.

Maging si Cristine ay excited nang mapanood ng buo ang movie lalo na ang sampalan blues nila ni Antoinette. Kumpisal ni Cristine, sa pagbabasa pa lang niya ng script ay natawa na agad siya kaya napa-oo agad ito na gawin ang movie na mas riot at nakababaliw na pinaganda pa ni Direk Chris Martinez.

Kaya sobrang humanga si Cristine kay Direk Martinez dahil marami pa itong idinagdag sa script ng movie na swak na swak sa masasaya nilang eksena.

Ipinagmamalaki rin ni Cristine sa movie ang oversized na alaga nitong si Yagit. Promise ni Cristine na pangtanggal ng bitterness at negativity ang kwela nilang pelikula na Lumayo Ka Nga Sa Akin na released ng Viva Films at Heaven’s Best Entertainment na ang mga kuwento ay hango sa best-selling novel ng legendary na si Bob Ong.

ANDOY RANAY

ANG

ANTOINETTE TAUS

BALA

BENJIE

BENJIE PARAS

BEST ENTERTAINMENT

BISTEK

BOB ONG

CRISTINE

MOVIE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with