^

Pang Movies

Manay Lolit nag-e-endorso ng gold bars, pero naalala ang kapalaran ni John Lloyd sa Honor…

- Vinia Vivar - Pang-masa

Dinaan na lang ni Manay Lolit Solis sa biro ang pagiging endorser niya ng GXT Plus Version 2.0. sa kanyang speech sa ginanap na launching last Friday night sa Robinson’s Galleria, nabanggit niya na naaalala niya tuloy ang Honor Thy Father na ang kwento ay tungkol sa isang networking company na tulad din ng kumpanyang kanyang ine-endorse.

Ang GXT Plus kasi ay isang networking company involving in selling and trading of mini gold bars. Naintriga ito last year na diumano’y scam na mahigpit nilang pinabulaanan at bilang patunay nga ay nag-relaunch silang muli at kumuha ng mga endorsers tulad ni Nay Lolit, Benjie Paras at iba pang personalities tulad nina NBI Special Investigator na si Armando Eleazar, Jr, Pro-People Net 25 News & Current Affair TV host/Anchorman Gen Subardiaga, former OFW Entertainment/LGBT ad­vocare Jiman Abile, Facebook Sen­sation/singer/indi film actors Sawyer Brothers at ang educator na si Renita Umali.

“Sabi ko nga, nung makita ko ‘yung mga endorsers, may taga-NBI, ay, parang hindi naman ako papasok sa kulungan, eh NBI agent ‘yung ano (endorser), ‘di ba?

“Sabi ko, naku, Benjie (Paras), ‘di bale na, kung totoo ang mga tsismis, kasama kitang pupunta sa kulungan. Eh sanay na akong nakakapunta sa Crame, ‘di ba? Kakadalaw kina Bong (Revilla, Jr) at Jing­goy (Estrada). At least, alam ko na ngayon kung paano makulong, nyaaah!” say ni Nay Lolit na tawa kami nang tawa.

“Pero kung iisipin mo naman, mukha namang legitimate ano (company) sila, ‘di ba? At saka, ‘di ba, sino ‘yung attorney nila, si atty Dennis (Manalo)? Di ba, reputable, top of the line lawyer naman ‘yun, ‘di ba? Siguro naman, hindi ‘yun sasali kung ano, ‘di ba?” dagdag pa ng TV host/columnist.

“Endorser din nila noon si Dennis Trillo. Eh wala namang nangyari kay Dennis, kaya sabi ko, naku, go na tayo, Benjie. Andidiyan pa naman si Dennis, that means okay naman siguro ‘yung negosyo.”

So, magi-invest din sila sa kumpanya?

“Hindi, hihingi lang kami sa kanila ng gold. ‘Yan lang ang aking purpose in life. Kailangang makita ko ang mga gold na ‘yan,” say pa ni Nay Lolit.

Biro naman ni Benjie, mas lalo siyang na-convince puma­yag na maging endorser nang makita niya si Nay Lolit.

Pero sa seryosong usapan, say ni Manay, hindi raw siya naniniwala sa akusasyong scam ang GXT.

“Kasi, mapi-feel mo naman, ‘di ba? Mukha namang trustworthy ‘yung may-ari, na sana, bigyan ako ng gold bars,” say pa ni Nay Lolit.

Samantala, natanong din ang TV host/columnist tungkol sa nalalapit na kasal ng alaga niyang si Pauleen Luna at say niya, hindi raw siya makakadalo dahil bukod sa malayo ay gabi pa.

“Parang na-feel ko talaga, ayaw akong papuntahin ni Vic Sotto. Ginawa niyang gabi, at napakalayo, ‘di ba? Eh ayaw ko sa lahat, gabi, ‘di ba?”

Dahil nalalapit na nga ang kasal, nagkaroon na raw ng jitters si Pauleen.

“Kasi, nag-hands-on siya sa wedding, eh. ‘Yun talaga ang hinarap niya, eh. Kung mapapansin mo nga, bigla siyang pumayat. Siguro, na-stress na rin. Pero ako talaga, I’m very happy for her.”

Tungkol naman sa pagkalat ng wedding details ni Pauleen na naging dahilan pa para magalit ang aktres sa ABS-CBN, say ni Nay Lolit, “sinabi ko naman kay Pauleen, kahit naman ‘yung kay Dingdong (Dantes) at Marian (Rivera), alam ng lahat kung saan, very ano rin naman ‘yung place na Immaculate Concepcion, pero iginalang naman nila (the public). Konting security lang siguro. Ginalang din naman ng mga reporter, hindi naman nagpilit ‘yung mga reporters na pumasok or mag-invade. Ganu’n naman, eh, di ba?”

Kaya wala raw dapat ika-tense si Pauleen, say pa ni Manay Lolit.

“Ang kinatatakutan lang niya, di ba, very private si Vic, ang ayaw lang naman ni Vic na magulo, ‘yung simbahan, eh. Mayroon naman silang plano na mag-interview doon sa reception,” she said.

Marco makalaya na kaya sa pagkakakulong?

Makalalabas na si Chokee (Marco Masa) mula sa pagkakakulong sa loob ng kawayan matapos ang mahabang panahon sa tulong ni Sisay (Sharlene San Pedro) sa pagpapatuloy ng Wansapanataym Presents: Susi ni Sisay ngayong Sunday, Jan. 10.

Kasama rin sa cast ng Wansapantaym Presents: Susi ni Sisay sina Jolina Magdangal, Marvin Agustin, Tetchie Agbayani at Matet de Leon. Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Wenn V. Deramas at panulat nina Mari Lamasan at Raymond Diamzon.

ACIRC

ANCHORMAN GEN SUBARDIAGA

ANG

BENJIE

LOLIT

NAMAN

NAY LOLIT

PAULEEN

PERO

SISAY

YUNG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with