^

Pang Movies

Produ lang ang nakikinabang? Pinagtatalunang ‘top grosser’ sa MMFF, walang naitulong sa industriya!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Ang gulo talaga ng nangyayari riyan sa Metro Manila Film Festival (MMFF). Ngayon ay nagtatalo na naman sila kung sino nga ba ang top grosser sa nakaraang festival. Doon sa sinasabing gross reports ng MMDA, lumalabas na ang top grosser ay ang pelikula ng AlDub na My Bebe Love #KiligPaMore, bagama’t wala silang ipinakikitang official figures, at sinasabi nilang ang listahan nila ay “not in proper order”. Ibig sabihin, hindi iyon mismo ang pagkakasunud-sunod ng ranking.

Naglabas naman ang ABS-CBN ng sarili nilang gross reports na nagsasabing ang pelikula nina Vice Ganda at JaDine ang siyang top grosser. Maliwanag din na sa kanilang total gross, mas malaki ang kanilang figures kaysa sa sinabi ng MMDA na base naman daw opisyales ng MMFF.

Hindi kasi defined ang para­meters ng top grosser. Dahil binibilang ng MMDA pati ang kinita ng sinehan sa labas ng Metro Manila, ano nga ba ang makapipigil sa ABS-CBN pati ang kinita ng kanilang pelikula sa fo­reign screenings?

Maliwanag, iyan ay Metro Manila Film Festival. Ibig sabihin, Metro Manila lang. Iyong kinita lamang ng mga pelikula sa Metro Manila ang isasauli ng gobyerno ang amusement tax para sa mga beneficiaries ng festival. Hindi naman kasali iyong kita sa probinsiya eh, bakit naman isasali nila iyon sa kanilang reports. Kung ang kita hanggang probinsiya ay isasali na nga nila, ano ang makapipigil sa iba na i-report din ang kinita nila sa fo­reign market?

Lagi namang pinagtatalunan ang top grosser. Nang­yayari iyan dahil hindi maliwanag ang para­meters. Hindi maliwanag kung ano ang kasali at kung ano ang hindi sa computation ng kinita. Ewan kung bakit pinagtatalunan eh kung iisipin, ang top grosser ang pinakawalang kuwentang award. Pagyayabang lang iyan na malaki ang kinita ng isang pelikula, pero ano ba ang buti noon sa industriya sa kabuuan?

Kung sa bagay kasi, trade festival na nga iyan eh. Ang mahalaga lang ay ang kita.

‘Pagreretiro’ ni Kris sa showbiz tamang panahon na raw

Kung iisipin mo, mukhang tama nga ang naunang sinabi ni Kris Aquino na ngayong taong ito ay titigil na siya sa kanyang career, at dadalhin niya ang kanyang dalawang anak sa U.S. para mamulat ang mga iyon sa simpleng pamumuhay doon.  Siyempre, duda pa rin kami kung to­to­tohanin niya iyon. Kahit na papaano kasi, may TV show siya rito. Sa U.S., mahihirapan siyang magkaroon ng showbiz career.

Pero sinasabi naming tama at napapanahon ang kanyang naunang balak dahil hindi na rin naman ganoon kataas ang ratings ng kanyang TV show. Nitong nakaraang MMFF, ang kanyang pelikula ay hindi rin naman gaanong kumita at na-pull out pa sa maraming sinehan. Ni hindi rin naman nabanggit ang kanyang pangalan sa awards. Noon kasi kahit na papaano basta leading lady ka, automatically nominated kang best actress, eh ngayon mukhang hindi na ganoon. Isa ang pelikula niyang umuwing luhaan, walang awards at mahina pa sa takilya.

Kung ganyan ang mga senyales, masasabi nga sigurong ngayon na ang tamang panahon para magpahinga muna siya sa kanyang career. After all, malaki na naman ang kanyang kinita. Hindi rin naman maikakaila na pagdating ng panahon ay malaki pa ang kanyang mamanahin. Doon lang sa Hacienda Luisita, magkano na ang makukuha niya?

Lahat ng mga nakakausap naming observers ay ganoon din ang opinion.

ACIRC

ANG

HACIENDA LUISITA

HINDI

IBIG

KANYANG

KINITA

KUNG

METRO MANILA

METRO MANILA FILM FESTIVAL

NAMAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with