^

Pang Movies

Lilipat na nga KC wala nang atrasan kay Richard

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Tuluyan na raw lilipat si KC Concepcion sa TV5 ngayong magiging active lalo ang network na pamamahalaan ni Boss Vic del Rosario ng Viva Entertainment.

Balitang si KC ang magiging leading lady ni Richard Gutierrez sa gagawin nitong epic drama sa TV5, ang Panday.

Mukhang wala namang problema kung sakaling matuloy ang deal dahil parehong Viva talents sina Richard at KC. Wala raw naman nang contract si KC sa ABS-CBN at matagal na siyang walang ginagawang teleserye or show sa kanila.

Noon ngang Parade of Stars ng Metro Manila Film Festival (MMFF), tanungan na noon kung sino ang magiging leading lady ni Richard.

Good friends naman ang dalawa dahil gumawa na sila ng dalawang movies, sa Star Cinema at sa GMA Films.

Nagustuhan din ang pagho-host nila noong December 27 sa Gawad Parangal ng MMFF.

Ang Panday ang unang pasabog ng TV5 sa pamamahala ni Boss Vic ngayong January, 2016.

Renz na-develop lang kay Kris

First team-up nina Kris Bernal at Renz Fer­nandez ang Prinsesa Ng Buhay Ko na unang drama series na ginawa ni Renz nang pumasok siya sa GMA Network.

Natatandaan namin sa press visit noon, binibiro ng mga entertainment press sina Kris at Renz na bagay sila.

That time, kabi-break lamang ni Renz kay Ma­xene Magalona.  Si Kris naman ay in a relationship kay Carl Guevarra, pero idini-deny niya.  Kasama rin nila sa serye si Aljur Abrenica, pero friends lamang talaga sina Aljur at Kris.

Pero ngayon na muli silang magkasama sa Little Nanay, may possibility ba na matuloy na ang panliligaw ni Renz kay Kris na gumaganap na si Tinay, samantalang si Renz ay gaganap namang lawyer niya.

Ayon kay Kris wala namang pormal na sinasabi sa kanya si Renz, although may mga kilos daw ang actor na papunta na roon.

Ilang beses na rin siyang inimbitang lumabas ni Renz at madalas kapag dumarating ito sa taping nila, laging may dalang “something” sa kanya.

Ibig bang sabihin, kung manliligaw na sa kanya si Renz wala nang problema? Pinuri naman ni Kris si Renz na napakabait, gwapo at very gentleman, pero sa ngayon daw ayaw muna niyang isipin dahil naka-focus siya sa character ni Tinay sa Little Nanay.

Inamin ni Kris na kailangang lagi siyang concentrated sa character niya para hindi siya makabitiw sa role.  Ayaw daw niyang mapahiya sa mga co-stars niya tulad nina Nora Aunor, Bembol Roco, Eddie Garcia at ngayon, pumasok na rin si Christopher de Leon bilang lawyer naman ng husband niyang si Archie, played by Hiro Peralta.

Walang duda, Jennylyn at Dennis magkasama noong putukan

Nag-post sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo sa kani-kanilang Instagram account na hindi maikakailang magkasama sila noong New Year.

Siyempre, happy ang mga fans nila na laging nagtatanong kung ano ang real score sa kanila, sa pamamagitan ng mga posts nila.

Kahit daw ayaw nilang umamin sa nakikita raw nilang pictures, alam na nila ang totoo.

May mga nagri-request na rin sa kanilang bigyan muli ng isa pang drama series ang dalawa, iba naman ang story sa napakaganda nilang My Faithful Husband.  Kung pwede raw, iyong may pagka-romantic-comedy tulad ng ginawa ni Jennylyn, ang English Only, Please at itong kumikita ngayon sa Metro Manila Film Festival, ang #WalangForever.  Kayang-kaya raw namang gampanan ni Dennis kahit anong role.

vuukle comment

ACIRC

ALJUR ABRENICA

ANG

ANG PANDAY

BEMBOL ROCO

BOSS VIC

CARL GUEVARRA

KRIS

LITTLE NANAY

METRO MANILA FILM FESTIVAL

RENZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with