Hindi makasarili Bossing Vic ikinampanya ang lahat ng pelikula sa MMFF
Ilang pahabol na obserbasyon sa katatapos na Parade of Stars ng Metro Manila Film Festival (MMFF) noong Wednesday, December 23.
Ayon sa mga nakausap namin, dapat daw ay inihuli ang float ng My Bebe Love #KiligPaMore among the eight floats. Walang problema ang nangunang float na #WalangForever, Nilalang, Haunted Mansion at Buy Now, Die Later.
Fifth float ang sa My Bebe Love na sakay sina Vic Sotto, AiAi delas Alas at ang love team nina Alden Richards at Maine Mendoza pero inorasan namin ang paglabas ng said float sa Roxas Blvd at inabot ng 40 minutes ang paghihintay ng mga tao mula sa MOA ground. Napilitan nang magdagdag ng motorcycle cops ang MMDA para mapabilis-bilis ang lakad ng float na hinaharang ng mga fans.
Kasunod ng float nila ang float ng Honor Thy Father, The Beauty and The Bestie at ang All You Need Is Pag-ibig.
Hindi na namin nakita ang float ng Ang Panday ni Richard Gutierrez dahil tumuloy na kami sa Quirino Grandstand na doon bumaba ang mga artista para magpasalamat at mag-imbita ng mga moviegoers na panoorin ang kani-kanilang pelikula.
Of course ang pinakahinintay pa rin ay ang cast ng My Bebe Love na habang paakyat sila ng stage, nagpalipad ang AlDub Unite ng 500 yellow balloons.
Nagpasalamat ang cast sa mga dumalo sa parade.
Si Alden, nagpabebe pa nang yakapin si Maine at ang yakap daw niyang iyon ay para sa lahat ng AlDub Nation.
Nagpasalamat naman si Bossing Vic at sinabihan din ang mga tao na tangkilikin ang lahat ng entries sa MMFF.
After the parade, naghiwalay na sina Alden at Maine, si Alden, to meet the 500 AlDub Nation na maswerteng napili ng GMA para makasama siya.
Si Maine ay natuloy ang Japan trip ng family. Si AiAi, umalis rin for Las Vegas to be with her children sa Christmas at New Year.
Jennylyn hindi pa rin forever ang tingin sa relasyon nila ni Dennis
Walang nag-expect sa mga nanood ng special preview ng #Walang Forever nina Jericho Rosales at Jennylyn Mercado for Quantum Films Productions na ganoon kaganda ang movie na kikiligin at iiyak ka habang nanonood.
Aakalain mo na tulad din ito ng romantic-comedy na English Only Please nina Jennylyn at Derek Ramsay.
Ibang-ibang Jennylyn as Mia ang mapapanood mo.
Sabi namin tuloy kay Jennylyn, dramatic actress talaga siya at ang lakas ng chemistry nila ni Jericho.
Si Jericho naman, natanong namin kung ganoon talaga ang character niya at alam niya ang mangyayari sa huli ng movie.
Kahit si Direk Dan Villegas, biniro rin na kayang-kaya pala niyang magpaiyak ng mga manonood, malayo sa English Only Please.
Si Jennylyn, naniniwala pa rin ba siya na walang forever? Iyon pa rin daw ang paniniwala niya, yes, may pag-ibig na nagtatagal pero walang pag-ibig na forever.
Siya ba, wala pa ring forever sa relasyon nila ni Dennis Trillo? Yes, ang natatawa niyang sagot, at ayaw pa rin niyang umamin sa totoong relasyon nila ni Dennis.
- Latest