^

Pang Movies

Kris at Herbert pulitika ang pinagkasiraan!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Ayon kay Kris Aquino, ayaw daw niyang mai­palabas ang All You Need is Pag-ibig na magkaaway pa sila ni Quezon City Mayor Herbert Bautista kaya nakipagbati na raw siya rito.

 “I didn’t want this movie shown without making peace. Kasi ‘yun ‘yung totoo, di ba? We were supposed to be co-stars in this movie and it did not work out, nag-away kami hindi sa personal kundi dahil sa pulitika, and inayos naming dalawa, ‘yun lang.

 “Kasi nung sinabi, “ano gusto mo?”, sabi ko, “lechon”, o ‘di dumating ‘yung lechon, thank you. Ibang girls gusto ng flowers, alahas, ako, lechon,” say ni Kris.

Matatandaang nag-post ang Queen of All Media ng larawan ng pagkalaki-laking lechon na apparently ay siyang naging simula ng pagbabati nila ni Bistek.

Sa caption ay sinabi niyang answered prayer daw na peaceful na ang lahat sa pagitan nila.

When asked kung masaya ba siya or malungkot ngayon, ani Kris, “I’m okay. Sinabi ko nga, eh, I don’t want to claim I’m happy but okay is a pretty good place to be in.”

Anyway, sa pagbubukas ngayong araw na ito (Dec. 25) ng Metro Manila Film Festival kung saan ay official entry ang All You Need is Pag-ibig, manonood lang daw sila ng buong pamilya ng 12 noon at pagkatapos ay lilipad na silang mag-iina para magbakasyon.

Ayaw sabihin ni Kris kung saan sila pupunta dahil sila lang daw mag-iina at sinabihan siya ng kanyang mga kapatid na quiet na lang at mag-post na lang after the vacation. Pero naglabasan na sa ibang balita na sa Hawaii ang destinasyon nila.

Fifteen days daw silang mawawala kaya January pa ang balik nila.

Sa rami ng aral BNDL, parang movie version ng Wansapanataym

Limang episodes ang nakapaloob sa MMFF entry ng Quantum Films, MJM Productions, Tuko Film Productions at Buchi Boy Films na Buy Now, Die Later.

These five episodes represent our five senses na sight, smell, touch, taste and hearing at magkaka-connect ang mga ito.

Inumpisahan ni Vhong Navarro ang movie sa episode na Masid, pangalawa ay ang Sarap ni Rayver Cruz, third is Dinig ni Alex Gonzaga, 4th is Halimuyak ni John Lapus at pang-lima ang Kanti ng mother-and-daughter na sina Lotlot de Leon and Janine Gutierrez.

Magkakaiba ang stories pero lahat ay may mensaheng iniiwan na makontento ka kung ano ang meron ka at moral lesson na anything too much is dangerous.

Ang mga karakter sa limang episodes ay pawang naghangad ng mga bagay na wala sila kaya napunta sila sa shop ni Santi (TJ Trinidad) na may sa-demonyo.

Sa lima, pinakakakaiba ang story ng Kanti dahil bumata ang karakter ni Lotlot at ginampanan ng kanyang anak na si Janine ang younger version niya.

Kahit maikli lang ang appearance ni Janine, kwela ang acting niya bilang bumatang Maita lalo na ang scene nang malaman niyang naaksidente ang anak niyang si Chloe (Alex Gonzaga) at sinabi niya kay Pippa (John Lapus) na siya ang nanay ni Chloe.

Siyempre, pinakakwela ang episode ni Sweet na kapag naglalagay siya ng perfume na binili niya sa shop ni Santi ay nabibighani ang mga lalaki.

Light horror-fantasy-comedy ang Buy Now, Die Later at pang-buong pamilya siya talaga na may aral na kapupulutan ang mga bata. Parang movie version ito ng Wansapanataym sa pagka-fantasy minus the horror elements.

Mula sa direksyon ni Randolph Longjas, showing na rin ngayong Dec. 25 ang Buy Now, Die Later.

 

ACIRC

ALEX GONZAGA

ALIGN

ALL YOU NEED

ANG

BUY NOW

DIE LATER

JOHN LAPUS

LEFT

QUOT

STRONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with