^

Pang Movies

Parang may sayad pa aktres na nagbabalik-showbiz, astang-diva kahit has been na ang hitsura

Jun Lalin - Pang-masa

MANILA, Philippines – Mabait kung sa mabait ang aktres na ito na ilang taon ding nawala sa showbiz, pero lately nga ay nagpaka-active uli.

Kung minsan daw kasi ay parang weird itong kausap.

Sa isang taping, tsika raw nang tsika si aktres sa isang dating dancer/comedienne na matagal ding nawala sa showbiz at ngayon nga ay lumalabas-labas na uli.

Nabigla raw si dancer/comedienne nang tanungin siya ni aktres tungkol sa kanyang injury.

Malaking question mark kay dancer/comedienne ang tanong na ‘yon sa kanya ng kasamang aktres sa taping dahil hindi naman daw siya naaksidente at lalong walang tinamong pinsala sa kahit na anong parte ng kanyang katawan.

Inisip na lang ni dancer/comedienne na baka nagkamali lang si aktres at baka ibang artista ang tinutukoy.

Pero ang medyo na-weird-an talaga sila sa aktres ay nang kausapin ito ng wardrobe department na kung puwede ay palitan ang damit na suot dahil kakulay ang sofa set na gamit sa eksenang kukunan.

Hindi raw pumayag si aktres na magpalit at ipinagpilitang hindi niya kasalanan kung kapareho ng kulay ng kanyang damit ang sofa set dahil ang damit na ‘yon ang gusto niyang isuot sa nasabing eksena.

Wala na lang daw nagawa ang taga-wardrobe department at dedma na lang.

Pero ang isa pa raw nakakaloka ay nang nagre-rehearse na sila ng eksenang kukunan.

Medyo nag-e-emote ang ibang mga kasama sa eksenang ‘yon nang bigla raw nag-dialogue si aktres sa direktor nila ng, “Direk, take na! Take na tayo!”

Medyo naloka raw ang kilalang direktor dahil pinangungunahan na siya ni aktres.

Eh, hindi pa kuntento si directed by sa rehearsal, kaya ayaw pa sana niyang mag-take, pero para wala na lang problema, pumayag na lang siya na mag-take na.

Sabi naman ng isang taga-production, walang karapatan si aktres na mag-asta ng ganoon dahil hindi na naman siya talaga hot at lumipas na ang panahon na puwedeng mag-astang diva!

Mga pelikula ni Atty. Joji, hinuhulaang magta-topgrosser

May back-to-back preview noong isang araw ang Metro Manila Film Festival 2015 entries ni Atty. Joji Alonso, ang Walang Forever nina Jennylyn Mercado at Jericho Rosales, at ang Buy Now, Die Later na isa sa mga bida ay si TJ Trinidad.

Marami ang pumuri sa dalawang pelikula at pinuri rin si Atty. Alonso sa effort niya na mag-produce ng quality movies.

In fairness, kahit maituturing na independent producer ang Quantum Films ni Atty. Alonso, marami ang pumupuri sa kanyang mga pelikula dahil magaganda ang mga ito.

Marami nga ang humuhula na isa sa magta-topgrossers ngayong MMFF 2015 ang Walang Forever.

AKTRES

ALONSO

ANG

BUY NOW

DIE LATER

JENNYLYN MERCADO

JERICHO ROSALES

JOJI ALONSO

MARAMI

MEDYO

WALANG FOREVER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with