^

Pang Movies

Kahit pinulutan na naman, takot kay P-Noy James Yap hindi pa rin pumapalag kay Kris

Jun Nardo - Pang-masa

Napulutan na naman si James Yap sa ipinatawag na presscon ni Kris Aquino sa kanyang bahay.  Almost 100 percent ng pahayag ni Tetay ay patungkol sa father ng anak nila ng basketbolista na si Bimby Yap.

Siyempre, hindi makapalag si James. Presidente pa kasi si P-Noy na dati niyang bayaw. Pumiyok man ang PBA cager sa ilang pagkakataon, may kasama pang ingat ang pagsasalita niya bilang respeto sa ating Presidente.

Eh, next year, wala na sa posisyon si President Noynoy, huh! Abangan natin kung bubuweltahan ni James si Kris sa nakaraang niyang pahayag!

Kailangan din kasing mag-ingay ng TV-host actress dahil matindi ang kalaban niya sa MMFF. Umaasa pa rin siyang isa ang entry niya sa magiging top grossers ng festival!

Sweet at Lotlot, ang galing manakot

Mahusay sina Lotlot de Leon at John Lapus sa festival entry na Buy Now Die Later.

Kuwela ang mga moments ni Sweet na bentang-benta sa mga naimbitahan sa press preview ng movie.

Ibang atake ng horror-thriller ang movie na dinirek ni Randolph Longjas. Hindi kasi ito ‘yung pangkaraniwang horror movie na may impakto, multo at iba pang mananakot sa manonood. But still, naihatid naman ni Longjas ang mensaheng nais ng movie.

Maganda ang production design ng BNDL pati na ang cinematography. Ginastusan nang todo ang movie na pang-festival ang dating!

Mga director ng walong pelikula sa MMFF 2015, matindi rin ang bakbakan

Sa totoo lang, labanan ng de kalidad na directors ngayong festival. Halos award-winning directors lahat gumawa ng ilan sa mga entries.

Una na riyan si Joey Reyes na director ng My Bebe Love #KiligPaMore. Malalaman bukas, Disyembre 25, kung hindi pa rin nawawala ang kinang niya bilang director na pinamalas niya sa mga nakaraang movies niya.

Naging best director din si Dan Villegas sa 2014 MMFF entry na English Only, Please. Muli niyang pinatunayan ang husay niya sa pelikulang Walang Forever nina Jericho Rosales at Jennlyn Mercado. Ibang atake ang ginawa niya sa usung-uso na rom-com movies.

Of course, hindi lang sa bansa nabibigyan ng parangal bilang mahusay na director si Jun Lana kundi sa international film festivals din.

Siya ang director ng Regal entry na Haunted Mansion. Napakaganda ang pagkakagawa niya sa horror movie at kahit baguhan sa big screen ang mga bida niya, nagawa niyang paartehin silang lahat.

 

Hindi rin matatawaran ang galing ni Antoinette Jadaone na director ng movie nina Kris Aquino at Derek Ramsay.

Lumikha siya ng ingay sa direksyon nang gawin niya ang That Thing Called Tadhana. From then on, isa na siya sa most in demand directors today!

Of course, hindi rin puwedeng isnabin ang talento ni Erik Matti sa pagdidirek. Ang Honor Thy Father ang entry niya na pinagbibidahan naman ni John Lloyd Cruz.

Bukas din malalaman kung ano ang feedback sa entries na dinirek ng box-office director na si Wenn Deramas, ang director ng Nilalang at ni Randolph Longjas ng Buy Now, Die Later!

Basta bukas, tangkilikin ang pelikulang Pilipino kahit may Star Wars sa ibang sinehan, huh!

Naku, kung si Chairman Francis Tolentino pa ang namamahala sa MMFF, itsapuwera ang foreign films na mapanood sa ating sinehan kesehodang super-laki ito, huh!

ANG

ANG HONOR THY FATHER

ANTOINETTE JADAONE

BIMBY YAP

BUY NOW

BUY NOW DIE LATER

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

DIRECTOR

KRIS AQUINO

NIYA

RANDOLPH LONGJAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with