^

Pang Movies

Kris nagkaka-alta presyon ‘pag napupuyat, lechon at fried chicken bawal na rin!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Dahil isa rin siyang host, naiintindihan ni Kris Aquino ang naging pagkakamali ng host ng recently-concluded Miss Universe pageant na si Steve Harvey kung saan ay nagkamali ito sa paga-announce ng winner.

“You know, that really happens. Ide-defend ko si Steve Harvey, kasi ilang times na kaming nag-PGT (Pilipinas Got Talent), tapos ilang times, normally kasi, ang sasabihin sa ‘yo, i-announce mo ‘yung winner.

“Tapos, siguro siya (Steve Harvey), hindi na-briefing nang maayos. At akala niya, ‘yung (first runner-up ang winner),” pag-a-analyze ni Kris.

Pero naiintindihan din niya ‘yung feeling na nasa iyo na ang korona ay kinuha pa.

“Pero doon sa sagot naman, magpakatotoo tayo, tayo ‘yung maganda ‘yung sagot (sa Q&A portion ng Miss U). And I don’t know why, ‘yung nananalo talaga is the one who looks different from everybody else.”

Kris also noted of the fact na Pinoy designer na ang ginamit sa mga gowns na suot ni Pia Wurtzbach.

“At least nga eto, forever na history ng Miss Universe. Di ba? Tumatak na tayo. Sad lang talaga na ‘yung moment, ‘di ba? Tapos may mga nag-boo and all. Pero that’s life. ‘Di ba, when you join in a competition, there will be winners, there will be losers, praise God, tayo ang winner,” she said.

Sobrang puring-puri naman ni Kris ang mga sagot ni Wurtzbach lalo na sa tanong about US military bases.

“She answered so well. Sabi ko, ang tapang niya. Kasi ‘di ba, ‘yung about sa US bases? Ang tapang niya. Pero I agree with her. Naku, magagalit na naman kayo sa akin. Pero in a world where China is so strong, we need them (Americans), let’s be honest. Kailangan natin sila and let’s be friendly with them.

“Tapos, tama siya (Pia) na sinagot niya ‘yun. Na totoo naman, eh, kung i-survey mo naman, majority ng Pinoy, we love Americans.

“Tapos ‘yung second na sinabi niya, about HIV awareness, totoo din naman talaga. Kasi, di ba, ang nangyayari ngayon, because may promiscuity, tapos, di ba, ang sinabi rin nila, ang malala raw ‘yung pagse-share ng needles, kasi di ba, ‘yung rampant drug use kaya kumakalat? So, bongga na nasabi niya ‘yun,” say ni Kris.

Anyway, medyo okay na ang health ng bida ng All You Need is Pag-ibig. May mga bawal na food sa kanya tulad ng lechon and fried chicken na favorite pa naman niya.

Pinayagan daw siyang kumain ng mga nasabing food pero huwag daw sobra at gawing once a week na lang.

Ang puyat daw ay bawal sa kanya dahil tested na raw niya na tumataas ang blood pressure niya kapag tumuntong na ng 12:30 or ala-una ng madaling araw na gising pa siya. Ibig sabihin daw ay dapat na talaga siyang matulog.

Cong. Romualdez, ‘may malasakit’ ang presidential bet

Wala pang partido si Cong. Martin Romualdez na kumakandidatong senador pero natutuwa siya na tatlong malalaking partido ang nagsama sa kanya sa senatorial slate ng mga ito.

Natutuwa rin siya na pataas nang pataas ang ratings niya sa survey ng senatoriables at ngayon nga ay nasa top 20 na siya

Ayaw sagutin ni Cong kung sino ang dadalhin niyang Presidente ngayong 2016 elections

“’Yung may malasakit,” nakangiti niyang sambit.

Pero of course, hindi na kailangang tanungin pa kung sino ang Vice President niya, walang iba kundi ang pinsan niyang si Bongbong Marcos.

ACIRC

ALL YOU NEED

ANG

BONGBONG MARCOS

KASI

MISS UNIVERSE

NIYA

PERO

STEVE HARVEY

TAPOS

YUNG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with