^

Pang Movies

Kaya laging hinaharang, Sen. Grace kinakatakutan

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Ang pangalang Poe ay masasabi nating synonymous sa show business.

Basta sinabing Poe, ni hindi mo maiisip ang pulitika.

Ang papasok sa isipan mo ay ang ilang henerasyon ng mga magagandang pelikulang kinagiliwan ng masa. Kailan lang naman may pumasok na Poe sa pulitika.

Una nga ang hari ng pelikulang Pilipino na hindi nakapanungkulan, at tapos si Senadora Grace Poe, na tatatlong taon pa lamang naman sa senado, bagama’t masasabing anim na taon na rin siya halos sa gob­yerno.

Sa unang mga taon niya, siya ay nanilbihang chairperson ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), pelikula pa rin ang linya.

Si Senador Grace ay masasabing nakilala namin, at nakikita na simula noong panahong bata pa siya. Bahagya siyang nakakubli sa publiko dahil gusto rin naman ni FPJ at ni Susan Roces na manatili ang kanyang privacy, pero every now and then, hindi maiiwasang lumabas siya.

Dahil diyan, siguro nga masasabing kung mayroon mang pulitiko sa kasalukuyan na kumakandidato at malapit sa show business, wala nang duda si Grace Poe iyon. Iyong iba, “naglalapit-lapitan lang sa showbiz”.

Kaya lang, hanggang ngayon ay may question sila kay Grace Poe. Sinasabing siya ay hindi isang tunay na Pilipino.

Sinasabing wala pa siyang sampung taong naninirahan sa Pilipinas. Tutal inilahad na naman nila ang lahat ng kanilang objections sa citizenship at kung anu-ano pang hindi niya gusto tungkol kay Grace Poe, bakit hindi na lang nila hayaang ang bayan ang humusga?

Natatakot ba sila na sa kabila ng sinasabi nilang kakulangan sa residency at hindi pagiging isang “tunay na Pilipino” ay manalo pa siya? Iyon lang talaga ang nakikita naming dahilan, iyong takot.

Masasabi bang ang pagpapasya ng bayan, ng higit na nakararaming mamama­yan ng Pilipinas ay mali kaysa sa desisyon ng dalawa, o tatlo, o kahit na apat pang tao? Wala kaming kinakampihan, pero naniniwala kaming mas may karapatang mag­desisyon ang bayan. Hindi namin sinasabi ito dahil si FPJ ay hari ng pelikula, o si Susan Roces ay reyna ng pelikula. Hindi namin sinasabi ito dahil minsan si Grace ay na­­ging censor ng pelikula. Sinasabi lamang namin ito dahil sa paniniwalang ang desisyon ng bayan at hindi ng iilan ang dapat na manaig.

John Lloyd pang-kabog sa awards night ang arte

Palagay namin dapat na nakangiti na ngayon ang film producer na si Dondon Monteverde.

Kinikilala naman kasi ngayon ng halos lahat na si John Lloyd Cruz ang leading man ng sinasabi nilang pelikulang nakapagtala ng pinakamalaking box office gross sa buong panahon.

Si John Lloyd din ang leading man ng festival movie na Honor Thy Father.

May isang kritikong kaibigan namin ang nagsabi na napakahusay ng performance ni John Lloyd sa Honor Thy Father.

Pinalakpakan nga raw ang mga eksena ni John Lloyd kahit na sa Toronto International Film Festival. Doon niya kasi napanood ang pelikula. Siya rin ang nagsabi sa amin na huwag naming palampasing hindi mapanood ang pelikula.

Base sa dalawang observations na iyan, maliwanag sa amin na hindi lang box office ang potentials ng pelikulang Honor Thy Father kundi maging ang mga award.

Kung pag-aaralan mo namang ma­buti ang iba pang film entries diyan sa festival, mukhang sina John Lloyd at ang kasabayan din niyang si Jericho Ro­sales lamang ang may seryosong role sa kanilang mga pelikula.

Ang advantage naman ni John Lloyd, mukhang sinadyang ginawa ang kanyang pelikula para manalo ng awards. Iyong pelikula naman ni Jericho ay para magpa-cute. Mukhang pa­nalo sa ngayon si John Lloyd.

ACIRC

ANG

GRACE POE

HINDI

HONOR THY FATHER

JOHN

JOHN LLOYD

LLOYD

PELIKULA

PILIPINO

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with