^

Pang Movies

Phillip gaya-gaya kay Robin

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Hindi nag-iisa si Robin Padilla dahil si Davao City Mayor Rodrigo Duterte rin ang presidential bet ng kanyang kapwa action star na si Phillip Salvador.

Matagal nang magkaibigan sina Ipe at Papa Rody. Personal na pinupuntahan noon ni Ipe sa Davao City ang palaban na mayor.

Parehong kandidato sa 2016 sina Papa Rody at Ipe. Kung tatakbo na pangulo ng bansa si Papa Rody, target naman ni Ipe na maglingkod bilang bise-gobernador ng Bulacan sa 2016.

Hindi baguhan sa pagkandidato si Ipe dahil nag-try ito noon na tumakbo bilang Vice-Mayor ng Man­daluyong City pero hindi siya pinalad.

May mga kumukuwestyon sa residency ni Ipe sa Bulacan. Hindi yata alam ng detractors ni Ipe na tubong-Bulacan ang kanyang pumanaw na ina at hanggang nga­yon, marami silang kamag-anak sa nasabing probinsya.

Hindi biglaan ang pagtakbo ni Ipe. Noon pa niya sinasabi ang kagustuhan na mapaglingkuran ang mga kababayan nila sa Bulacan bilang tribute sa kanyang pumanaw na ina.

Pops ka-vibes ang anak sa labas ni Martin

Ikinukumpara si Pops Fernandez kay Michelle Van Eiemeren dahil tanggap na tanggap nito ang anak nina Ogie Alcasid at Regine Velasquez.

Tunay na anak din kasi ang trato ni Michelle kay Nate, ang anak kay Regine ng kanyang ex-husband.

Gaya ni Michelle, accepted ni Pops si Santino, ang anak ni Martin Nievera kay Katrina Ojeda.

Inilabas kahapon ni Pops sa kanyang Instagram account ang family picture nila ni Martin at ng kanilang dalawang anak, kasama si Santino.

Bumaha ang mga paghanga kay Pops dahil sa kind gesture nito. Kung ako man ang nasa posisyon ni Katrina, ikaliligaya ko na tanggap ni Pops ang anak nila ni Martin.

Carbon copy ni Martin si Santino at sa picture na nakita ko, puwedeng mapagkamalan na tunay na madir ng bagets ang kanyang madrasta. Si Martin ang happiest father dahil buung-buo ngayong Pasko ang pamilya niya.

Matapos manalo sa Starstruck, Klea at Migo ‘wag sanang lumaki ang ulo

Ultimate Starstruck Survivors sina Klea Pineda at Migo Adecer sa Final Judgment Night na live na napanood sa GMA 7 noong Sabado.

Perfect Christmas gifts para sa dalawang bagets ang tagumpay nila sa Starstruck VI.

Mahigit isang taon ang ipinaghintay nina Klea at Migo bago natupad ang pangarap nila na mapanood sa TV at eventually, maging mga artista.

Umpisa pa lamang ng mga pagsubok kina Klea at Migo. Kaila­ngang mapatunayan nila na hindi masasayang ang tiwala sa kanila ng fans at ng GMA 7 ma­nagement.

Huwag sanang lumaki ang kanilang mga ulo at huwag silang matulad sa past winners ng Starstruck na nag-feeling sikat kaya nawalan ng career.

Kaya sinusuwerte Star Group of Companies very generous

Ngayong umaga ang bonggang Christmas party ng Star Group of Companies sa isang five-star hotel.

Siyempre, invited ako pero hindi ako makarara­ting dahil sa aking mga previous commitment.

Wish ko lang, ipadala sa akin ng in charge ang grocery basket mula sa PSN (Pilipino Star NGAYON).

Hindi kumpleto ang Pasko ko kapag wala ang grocery basket na umaapaw sa sari-saring klase ng produkto.

Ipinagmamalaki ko ang Star Group of Companies dahil very generous sila sa kanilang mga empleyado.

Hindi sila nakakalimot na mag-share ng blessings tuwing Pasko kaya naman good karma ang kompanya na pinagkakatiwalaan nang buung-buo ng readers at advertisers.

ACIRC

ANAK

ANG

BULACAN

HINDI

IPE

KLEA

MGA

MIGO

PAPA RODY

STAR GROUP OF COMPANIES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with