^

Pang Movies

Kris magulo ang utak sa pagpo-promote ng sariling pelikula!

Jun Nardo - Pang-masa

Urong-sulong si Kris Aquino sa pag-promote ng festival entry niya. Wa raw niya feel kaya waley siya nung presscon ng movie

Nitong nakaraang araw lang namin nabalitaan na magpu-promote na si Kris ng movie. Siyempre, dehado ngayon ang entry niya kina Vic Sotto at AiAi delas Alas na My Bebe Love #Kilig Pa More dahil merong Alden Richards at Maine Yaya Dub” Mendoza sa movie.

Maganda ang labanan sa takilya ngayong festival dahil malaki ang posibilidad na may ma­liligwak na pinagbibidahan ng artistang laging nangunguna sa takilya ng ilang taon, huh!

Saka take note, labanan din ng magagaling na directors ngayong Metro Manila Film Festival (MMFF) 2015!

Siguradong kinaiinggitan Meryll hindi na nagpaka-choosy na matikman si John Lloyd!

Kaiinggitan tiyak si Meryll Soriano ng ilang aktres dahil asawa ni John Lloyd Cruz ang role niya sa MMFF entry na Honor Thy Father. Siyempre, bilang mag-asawa, meron silang kissing scene at love scene, huh!

“Meron pero hindi ‘yun ang meat ng story! Choosy pa ba ako? Ayo­ko sana nu’ng una pero conservative ako! Ha! Ha! Ha!” biro ni Meryll sa presscon ng pelikula.

More than the love scenes, ang oportunidad na makatrabaho si John Lloyd ang una kay Meryll. Alam niya ang lupit sa husay ni JLC sa aktingan kaya ganado siyang sabayan sa mga mabibigat na eksena!

Eh, hindi naman siyempre patataob si Meryll na isang best actress awardee na rin, huh! So swak na swak lang sila sa isa’t isa sa mga matitinding eksenang ginawa nila.

Bale ngayon lang sasabak sa festival si John Lloyd. This time, nakatikim ang aktor ng pelikulang binago ang kanyang hitsura pero ‘yung trademark niya sa pag-arte ay wala pa ring pagbabago.

“Mas gumaling si John Lloyd sa pelikulang ito!” saad naman ni direk Erik Matti.

So sa Disyembre 25, mapapanood na ang HTF na umani ng papuri sa nakaraang Toronto International Film Festival!

Kahit iniintrigaUnang Christmas party ng SPEED palung-palo!

Sobrang saya ng ginanap na unang Christmas party ng Society of Philippine Entertainment Editors, Inc. (SPEED) na pinamumunuan ni Isah Red. Matagal nang plinano na magkaroon ng organisasyon ng mga edntertainment editor ng mga tabloid at broadsheet pero nitong matatapos lang ng taon natupad.

Eh kahit may intriga sa pagkakatatag ng SPEED, hindi dahilan ‘yun upang sumuko ang officers and members. After all, maganda naman ang layunin nila at hindi pansarili lang.

Anyway, sa okasyong ‘yun, nagpapasalamat ang pamunuan sa lahat ng naging bahagi ng party. Una na riyan ang management ng B Hotel sa Sct. Rallos sa Q.C. na ibinigay ng libre ang venue at food.

Thanks din sa sounds and lights mula sa Manila Genesis, Inc. sa concert type sound system na ipinahiram nila. Siyempre pa, salamat din sa San Miguel Corporation para sa cocktails and drinks, Oishi products, Fernando’s Bakeshop, at marami pang ibang naghandog ng kanilang regalo.

Mabuhay kayong lahat at Maligayang Pasko!

ACIRC

ALDEN RICHARDS

ALIGN

ANG

B HOTEL

JOHN LLOYD

LEFT

MERYLL

QUOT

SIYEMPRE

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with