^

Pang Movies

Richard kumpirmado na ang pagiging Panday

Jun Lalin - Pang-masa

MANILA, Philippines – Si Boss Vic del Rosario sa Christmas press party ng TV5 kahapon.

Naka-front na si Boss Vic sa event na ‘yon ng TV5 dahil ang Viva Television ang mamamayagpag sa nasabing TV network.

Kahapon nga ay in-announce na ni Boss Vic na makakasama na sa TV5 si Richard Gutierrez dahil ang tinaguriang fantaserye king ang magbibida sa TV remake ng Panday.

Sabi ni Boss Vic, sobrang exciting ang Panday lalo na kapag na-reveal na ang big cast nito.

Malamang sa January na magpatawag ng official press announcement si Boss Vic at ang TV5 tungkol sa Panday na pagbibidahan ni Richard at sa February magsisimulang mag-air sa nasabing TV network.

Ang cute na cute na si Alonzo Muhlach ang magiging sidekick ni Richard sa Panday at um-attend sa nasabing event ng TV5 ang bata kasama ang amang si Niño Muhlach.

Excited si Alonzo sa Panday dahil fantaserye nga ito.

Bret baka magkapuwang sa TV5

Kasama sa TV5 press party ang Viva star na si Bret Jackson na ex-boyfriend ni Andi Eigenmann.

Sa TV5 ilalagay ni Boss Vic si Bret and who knows, baka magkaroon ng puwang sa nasabing TV network si Bret.

Marami pang ibang Kapatid stars na nasa nasabing event, pero hindi sila masyadong napansin dahil hindi naman sila masyadong na-acknowledge.

Pelikula ni John Lloyd, nagkaingay dahil kay Mother Lily

Na-late ang pagsisimula ng Honor Thy Father presscon kahapon dahil nanggaling pa ang entertainment press sa event ng TV5.

Sa Regal Entertainment office sa Valencia St., Quezon City ginanap ang presscon dahil si Mother Lily Monteverde ang tumutulong sa promotions ng pelikulang pinagbibidahan ni John Lloyd Cruz at isa sa official entries sa Metro Manila Film Festival 2015.

Anak ni Mother Lily ang isa sa producers ng Honor Thy Father na si Dondon Monteverde, kaya hindi nakakapagtakang sumusuporta ang Regal producer sa nasabing pelikula.

Kahit nga may sarili ring entry si Mother Lily sa MMFF 2015, ang Haunted Mansion, hindi siya nagdamot ng tulong sa pelikula ng kanyang anak.

In fairness, simula nang tulungan ni Mother Lily ang publicity ng pelikula ni John Lloyd ay nagkaroon na ng awareness sa Honor Thy Father.

Mag-ex na sina Yayo at William keber lang kahit magkasama sa pelikula

Kasama pala sa Honor Thy Father ang estranged couple na sina Yayo Aguila at William Martinez.

Hindi magkatabi sa presidential table sina Yayo at William at nakapagitna sa kanila si Boom Labrusca.

Pero ayon kay Yayo, wala naman daw problema kung magkasama man sila sa isang proyekto ni William. Pati si William, wala rin naman daw reklamo kung makasama si Yayo sa isang proyekto.

Mukhang magkaibigan na naman ngayon sina Yayo at William kahit matagal na silang hiwalay!

ALIGN

ANG

BOSS VIC

HONOR THY FATHER

LEFT

MOTHER LILY

PANDAY

QUOT

STRONG

TV5

YAYO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with