^

Pang Movies

Kahit punding-pundi na sikat na aktres ayaw ma-nega sa co-star na ilusyunada

Jun Nardo - Pang-masa

Positive vibes na lang ang pinaiiral ng sikat na aktres sa pelikulang ginagawa. May co-star kasi siyang feeling super-sikat kaya naman sinusunod ng production staff ang mga kundisyones sa trabaho.

Iniintindi na lang ng sikat na aktres ang sitwa­­s­yon ngayon ng co-star. Ngayon lang kasi niya naranasan ang mabigyan ng importansiya sa trabaho.

Kaya ang sikat na aktres, kahit punding-pundi na sa co-star, smile lang dahil ayaw niyang mabahiran ng negativity ang proyektong ginagawa, huh!

Joed nganga pa rin sa pangarap na AlDub concert

Malabo na pala ang hangad ng concert produ­cer-actor na si Joed Serrano na makuha sa isang Valentine concert sina Alden Richards at Maine Mendoza.

Hindi pa rin daw kasi sumasagot ng management outfit ng dalawa.

Eh, ang positibong epekto naman nito kay Joed, nakakakuha naman siya ng schedules kay Alden pagdating sa mga guesting sa corporate shows kahit na nga tambak ang trabaho ngayon ng Pambansang Bae.

Hahanap na lang si Joed ng performers na patok sa publiko ngayon dahil nganga pa rin siya kina Alden at Maine.

Dingdong hindi na naglalabas ng bahay

May division of labor ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera pagdating sa pag-aalaga sa anak nilang si Baby Zia.

Kahit merong Starstruck at Christmas gift-giving ng Yes! Foundation para sa bata, higit na mas mahaba ang oras ni Dong para sa anak kesa sa commitments.

One month na sa December 23 si Baby Zia, ilang araw bago ang Pasko. Naku, tiyak na buhos ang mga regalo sa bata kahit wala pang sked ng binyagan, huh!

GMA ilulunsad ang Lip Sync Battle

Obvious na na-inspire ang GMA Network sa pagiging Dubsmash Queen ni Yaya Dub/Maine Mendoza kaya naman inihahanda na ang network ang isa sa pasabog nito next year, ang Lip Sync Battle.

Eh, dahil sa pagda-dubsmash, nakuha ng Eat Bulaga si Maine, isinama sa kalyeserye, and the rest is history sa baguhang artista, huh!

As we all know, si Maine ang most in demand ngayon sa mga baguhang artista na nakapagtala ng record ng maraming commercials. To think na wala pa siyang isang taon sa showbiz, huh!

Wala pa kaming impormasyon kung magiging bahagi ng bagong show si Maine. At least, merong sumusunod sa yapak niya, huh!

Bukod sa Lip Sync Battle, ang drama series nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix ang isa pang pasiklab na programa ng Kapuso Network sa 2016!

vuukle comment

ACIRC

ALDEN RICHARDS

ANG

BABY ZIA

BIANCA UMALI

DINGDONG DANTES

DUBSMASH QUEEN

EAT BULAGA

JOED SERRANO

LIP SYNC BATTLE

MAINE MENDOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with