Patricia Javier ini-enjoy ang comeback!
Ini-enjoy ng dating sexy star na si Patricia Javier ang kanyang comeback sa showbiz.
Pagkatapos tumira ng mahigit 12 years sa Amerika, bumalik si Patricia sa Pilipinas kasama ang kanyang mister na isang chiropractor at ang kanilang dalawang anak na lalake.
Sumikat si Patricia noong 1999 noong i-launch siya sa Ang Kabit ni Mrs. Montero ng Viva Films.
“I’m still with Viva. Noong bumalik ako, sila ang unang nilapitan ko para ma-reinvent ang career ko.
“Mabuti at mabait sila Boss Vic del Rosario at tinulungan nila ako.
“Sila ang tumulong na hanapan ako ng work as an actress and as a singer,” ngiti pa ni Patricia.
Very supportive daw ang mister ni Patricia ever since na naging mag-asawa sila.
“He knows na artista ako noong magkakilala kami. Kaya noong bumalik ako, siya ang nagsabi na ituloy ko ang showbiz career ko.”
May Christmas song na ni-record si Patricia na puwede nang i-download sa iTunes. Ito ay may title na Ngayong Paskong Ito.
Kasama ito sa kanyang extended play album titled Patricia Javier: Reinvented.
Ngayon ay kasama rin si Patricia sa teleserye na Doble Kara ng ABS-CBN.
Connie Sison may filmfest sa health and wellness
Ang Pinoy M.D. host at newscaster na si Ms. Connie Sison at ang skin doctor na si Dr. Jean Marquez ng The Skin Specialist ang mga kasama ni Direk Cris Pablo sa pagtaguyod ng LoveLife! Health, Beauty and Wellness International Film Festival on December 12 and 13 sa QCX Interactive Museum sa loob ng QC Memorial Circle, Elliptical Road, Central, Diliman, Quezon City.
Isa sa maituturing na health advocate si Connie Sison ever since na naging host siya ng Pinoy M.D. sa GMA 7.
“Kasi ako, I am really for it kasi ang advocacy namin ay health and wellness.
“We want to help promote a healthy lifestyle. Like eating the right kind of food, dieting and exercising. We want to walk the talk.
“All age group should be aware of this. Like what I always say, isa lang ang ating katawan kaya ito ay pangalagaan.”
Para naman kay Dr. Jean Marquez, importante na maging aware sa tamang kalusugan ang lahat.
“I am the one who suggested to Direk Cris na gawin namin ang festival na ito sa Quezon City.
“Sa QC kasi ang may pinakamaraming ospital. Actually all the government hospitals are here like Philippine Heart Center, Lung Center, National Kidney and Transplant Institute, as well as the major hospitals.
“So it’s best to start it in QC and eventually, it can make rounds of different cities in Metro Manila.
“Kaya magiging pioneer ang bansa natin sa ganitong klaseng festival.”
Gwen Stefani proud GF kay Blake Shelton
Isang proud girlfriend si Gwen Stefani kay Blake Shelton dahil sa pag-share nito ng isang congratulatory message dahil nanalo si Blake ng CMT Artist of the Year.
Sa kanyang Instagram ay pinost niya ang mensaheng ito kasama ang isang photo ng nail art na mukha ni Blake:
“Congrats @blakeshelton #cmtartistoftheyear #michaeljacksonofcountrymusic.”
Sobrang tuwa si Blake at nasabi niya sa interview ng Entertainment Tonight ay: “She makes us all look a whole lot better on this show.”
Aminado si Gwen na sobra siyang masaya sa buhay niya pagkatapos ng kanyang divorce sa ex-husband na si Gavin Rossdale.
“I cannot believe how rad and magical my life is.
“Everybody knows pretty much what happened to me. I got a divorce or whatever, which completely was not in the plan at all.”
HAPPY 12TH ANNIVERSARY PM!!! More anniversaries and chika to come!!!
- Latest