^

Pang Movies

Kaya ayaw mag-promote LJ pinagsisisihan ang 10-minute love scene kay Luis

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Napanood namin ang special screening ng award-winning movie na isinulat at idinirek ni Jun Robles Lana, na Shadow Behind The Moon (Anino Sa Likod ng Buwan) sa Cultural Center of the Philippines (CCP) pagkatapos ng book launch ng Pilipino version ng libro ni Noel Ferrer na Mag-Artista Ka! na sinuportahan din ng mga estudyante na unang nakakuha ng copy ng book na malapit na ring mabili sa National Book Store branches.

Napakahusay ng pagkaganap ni LJ Reyes sa movie kaya naman tumanggap siya ng Best Actress award mula sa 13th Pacific Meridian International Film Festival held in Vladivostok, Russia last September 18.

Nanalo rin si Direk Jun ng Best Director award at ang movie ay tumanggap ng two critic awards.

Hindi itinago ni Direk Jun ang pagkadismaya na dalawang beses nang hindi sinipot ni LJ ang invitation nilang dumalo sa special screening, una sa Quezon City Pink International Film Festival na opening film ang movie na pinanood ng mga representative ng foreign productions at sa CCP nga last Saturday, December 5.

Totoo kayang ang dahilan ni LJ ay ayaw na niyang mapanood ang 10-minute love scene niya with Luis Alandy sa movie na mahusay namang nai-execute ni Direk Jun with award-winning cinematographer Carlo Mendoza?

Dahil nga ba sa boyfriend ni LJ kaya ayaw na niyang mapanood ito? Natatandaan namin na sinabi ni LJ sa presscon noon na hindi siya tumangging gawin ang 10-minute love scene dahil gustung-gusto niya ang story at may trust siya kay Direk Jun.

May isa pang screening ang movie sa UP Film Center, daluhan na kaya ito ni LJ?

Kuya Win si Sir Chief ang choice na gumanap sa character niya

Kabilang sa mga senatoriables ng partido ni Sen. Grace Poe si Win Gatchalian at hindi kami nagtaka kung bakit in-endorse siya ng Senadora na kandidato ring Presidente. Ito ay dahil sa advocacy ni Valenzuela Congressman Win, ang pagpapakain ng libreng pananghalian sa mga mag-aaral sa lugar nila.

Isa nga raw sa tututukan nila kapag nanalo sila ay labanan ang malnutrition sa buong bansa. Ipinakita ni Win sa Fellowship Dinner na ibinigay niya sa mga entertainment press ang video ng mga accomplishment niya, doon din in-announce ni Win ang pag-endorse din sa kanya ni Mother Lily Monteverde bilang kandidato nito.

Nangako rin ng suporta si Win sa movie industry at pag-aaralan daw nila kung paano palalakihin ang base ng industriya sa pamamagitan ng paglalabas ng mas maraming pelikulang Pilipino sa bansa bukod pa sa Metro Manila Film Festival (MMFF) tuwing December.

Single pa rin si Win at 41. Kung sakali namang may mag-produce ng life story niya, sino ang gusto niyang gumanap sa katauhan niya?

Gusto raw niyang gumanap sa kanya si Sir Chief, si Richard Yap.

Since wala naman siyang girlfriend, kung kaila­ngan daw na may friend siyang babae, gusto niya si Iza Calzado na matagal na niyang kilala at kaibigan.

ANG

ANINO SA LIKOD

BEST ACTRESS

BEST DIRECTOR

CARLO MENDOZA

CULTURAL CENTER OF THE PHILIPPINES

DIREK JUN

FELLOWSHIP DINNER

FILM CENTER

NIYA

SIR CHIEF

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with