^

Pang Movies

LJ gustong makasama si Paolo sa pasko!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Tulad ni Paolo Contis, matipid din sa pagkukwento si LJ Reyes sa nababalitang relasyon nila ni Paolo.

Basta masaya raw silang dalawa, pabayaan na lang daw sila na ma-enjoy ang moment na iyon.

Kapag tinanong si LJ kung ilang months na silang officially on ni Paolo, tumatawa lang ito.

“Wala pa kami sa ganyang level. Wala akong maisasagot kasi wala naman talaga.

 “Yung sa amin ni Paolo, nagkataon na nandiyan siya at naging maganda ang pagiging magkaibigan namin.

 “Wala naman anything official pa sa amin ni Paolo,” ngiti pa ni LJ.

Sa New York magpa-Pasko si LJ kasama ang anak niya kay Paulo Avelino na si Ethan Aoki.

Gusto raw kasi ni LJ na makasama ni Ethan ang lola nito na matagal na raw naglalambing na makita ang apo.

“Gustuhin ko man na dito kami mag-Christmas, nakapangako na ako sa mommy ko na dadalhin ko sa kanya ang apo niya.

 “Pero uuwi rin agad bago magsimula ulit ang classes in January.

“Okey sana kung matagal kami roon kasi wala pa naman akong bagong teleserye na sisimulan. Ang iniisip ko ay ang school ni Ethan kaya mga less than two weeks lang kami sa NYC.”

Susunod kaya si Paolo sa New York para makasama siya sa Pasko?

“Depende sa kanya. Okey lang sa akin kung susunod siya.

 “Na kay Paolo naman ang desisyon if he wants to spend the Holidays with me and Ethan or dito na lang siya,” pagtatapos pa ni LJ Reyes.

Eugene cover sa isang japanese mag

Naging cover ang host ng game show na Celebrity Bluff na si Eugene Domingo sa magazine na FilJap na labas ngayong December.

Kaugnay ito sa pagdalo ni Uge sa 29th Tokyo International Film Festival kung saan naimbitahan ang pelikula niyang Foster Child na dinirek ni Brillante Mendoza.

Dedicated nga raw ang pagiging cover girl ni Uge sa FilJap sa kanyang mga kaibigan at mga nakatrabaho na sa Japan.

Friends star na si Courteney Cox tuluyan nang nasira ang relasyon kay Johnny McDaid

Single na ulit ang Friends star na si Courteney Cox.

Hiwalay na nga si Cox sa kanyang fiancé na si Johnny McDaid.

Hindi na nga tuloy ang kasal nila.

Pinaglaban naman daw ni Cox ang kanilang relasyon para hindi mauwi sa hiwalayan.

Kelan lang ay nag-impake at umalis na sa bahay ni Cox si McDaid. Bumalik na raw ito sa England.

Na-engage si Cox kay McDaid noong June 2014 pagkatapos lamang ng anim na buwan na pagdi-date.

Noon pa lang ay may mga problema na sila, lalo pagdating sa kanilang mga lifestyle.

Sinubukan nina Cox at McDaid ang couple’s therapy. Para lang maayos ulit ang relasyon nila. Pero nauwi pa rin sa paghihiwalay ang dalawa.

vuukle comment

ACIRC

ALIGN

ANG

BRILLANTE MENDOZA

COURTENEY COX

ETHAN

LANG

LEFT

QUOT

STRONG

WALA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with