^

Pang Movies

GMA hindi naisnab sa Asian TV Awards

Jun Nardo - Pang-masa

Naisnab pala ang ilang Philippine media company sa 2015 Asian Television Awards (ATA) except GMA Network na tumanggap ng dalawang nominations this year, huh!

Buong ningning na ipinagmamalaki ng Kapuso Network ang dalawang nominasyong tinanggap para sa ATA.

Ang announcement ng winners ay magaganap ngayong gabi, Disyembre 2, sa Asian TV Awards Gala Dinner habang ang Award Ceremony ay gagawin bukas, Disyembre 3, sa Suntec Singapore Convention and Exhibition Center.

Kasama muli si Michael V. bilang nominado sa kategoryang Best Comedy Performance by an Actor/Actress para sa sitcom niyang Pepito Manaloto sa GMA. Naging winner na si Bitoy sa nasabing kategorya sa taong 2004, 2005 at 2006.

Nominated naman ang Celebrity Bluff sa category na Best Game or Quiz Programme category.  Si Eugene Domingo ang host nito na nasa ikatatlong taon na sa ere.

Kinabog sa ingay ang kaso ni Pemberton Duterte bida na naman sa social media

Mas winner kahapon sa social media si presidentiable Rodrigo Duterte kumpara sa Amerikanong si Pemberton na binasahan ng hatol sa kasong murder kaugnay ng pagkamatay ng transgender na si Jennifer Laude sa Olongapo City.

Kasi naman, umalma na ang CBCP sa pagmumura diumano ni Duterte kay Pope Francis. Siyempre, mas maraming negatibong reactions kesa positibo sa ginawa niya, huh! ‘Yung TV interviews niya na may kasamang mura, ilang beses na-bleep, huh!

Iba raw kasi siya kumpara kina Grace, Roxas at Binay na malinis ang bibig pag nagsasalita, huh! Kaya tanggapin man siya o hindi eh wala siyang pakialam!

Feeling lang namin, guilty man ang naging hatol sa Amerikano, hindi pa rin magwawagi ang taong suportado si Laude na mapakulong siya sa ating kulungan dahil na rin sa relasyon ng ating bansa sa Amerika, huh!

May provision kasi sa Visiting Forces Agreement na kapag may isang Amerikano na nakagawa ng krimen, ang US pa rin ang may jurisdiction sa kanilang citizen.

Remember ‘yung kaso ng isang US military na nahatulan man ng rape pero ang US Embassy ang siyang nag-detain sa kanya, huh!

Sa showbiz kaya, aware sila sa dalawang issues na nangyari kahapon? It’s December kaya focus na ang utak ng showbiz people sa parties, advance ta­pings at sa darating na Metro Manila Film Festival, huh!

Unang araw pa nga lang ng Disyembre kahapon, meron nang Christmas party ang isang management company at ngayong araw na ito, may Christmas party rin para sa press ng ilang personalidad!

Let’s all be happy! Christmas is around the corner, huh!

vuukle comment

AMERIKANO

ANG

ASIAN TELEVISION AWARDS

AWARD CEREMONY

AWARDS GALA DINNER

BEST COMEDY PERFORMANCE

BEST GAME

CELEBRITY BLUFF

DISYEMBRE

HUH

JENNIFER LAUDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with