^

Pang Movies

Pero sa backstage lang Sarah lumutang naman pala sa concert ni Matteo

- Vinia Vivar - Pang-masa

In fairness ha, supportive girlfriend si Sarah Geronimo. Sa kabila ng abala rin siya preparing for From the Top concert niya sa Dec. 4 & 5 sa Smart Araneta Coliseum, naisingit niyang pumunta sa first solo concert ng boyfriend na si Matteo Guidicelli held last Saturday sa Music Museum.

Hindi raw nakita ng audience si Sarah dahil sa backstage lang ito pero nag-post sa Instagram ang producer ng concert ng picture nilang tatlo na kuha sa backstage nang gabing iyon.

Samantala, si Sarah naman ang magko-concert sa Dec. 4 & 5 at bukod sa mga pasabog na production number, inaabangan din ng mga tao ang mga gown na isusuot ni Popstar.

Well, mga gawa lang naman nina Rajo Laurel, Rhett Eala, at Dennis Celestial ang mga ga­gamiting gowns at iba pang outfits ni Sarah.

Isa pang highlight ng concert ay ang super-big stage na gagamitin at dalawang stage suppliers pa ang kinuha ng Viva Live para itayo ito sa Smart Araneta Coliseum. Sobrang laki raw kasi talaga ng stage, pramis.

Kaya naman todo rehearsal na si Sarah. Wala na siyang tinatanggap na ibang work para lang makapag-concentrate sa From the Top under the musical direction of Louie Ocampo and direction is Paolo Valenciano.

Up to now ay wala pa ring panga­lan ng guest na lumulutang. Kaya ma­la­mang solung-solo ni Sarah ang concert.

Maaalalang sinabi ni Sarah sa presscon for the concert weeks ago na #gympamore ang pinagkakaabalahan niya bilang paghahanda sa pagbabalik niya sa Big Dome after Perfect 10 in 2013.

Samantala, may sariling mobile game na si Sarah, ang Popsters.

Ang nasabing game ay developed in partnership with Xeleb Inc., the Philippines’ first celebrity mobile games company.

“Sarah G Popsters lets Sarah’s fans follow her on a concert tour. Popsters unlock new Sarah songs as they level-up,” sabi ni Mr. Raymond Racaza, CEO ng Xeleb.

Ang Sarah G Popsters mobile game ay available for download on Google Play.

Heart patok na patok ang beauty book

Number 1 pa rin sa digital sales ang beauty book ni Heart Evangelista na This is Me, Love Marie, dalawang linggo matapos itong i-launch ng aktres.

Tuwang-tuwa ang misis ni Sen. Chiz Escudero dahil dalawang linggo na ring patok ang beauty book ni Heart sa Buqo app’s digital charts. “We are still at the top of the di­gital chart! Get the e-book version of #ThisIsMeLoveMarie using the @buqoapp and get tips on makeup and skincare from your phone or tablet,” sabi ni Heart sa isang post sa Instagram.

Kaya ipalalabas ulit pelikula ni Emilio Aguinaldo, may patama sa Heneral Luna?!

Ipalalabas uli sa mga sinehan ang Gen. Emilio Aguinaldo: The First President (Director’s Cut) starring George “ER” Ejercito na matatandaang ipinalabas sa Metro Manila Film Festival (MMFF).

Tila na-inspire ang Scenema Concepts (producer of the movie) sa success ng Heneral Luna kaya nais din nilang ipalabas muli ang pelikula at mapanood ng mas maraming tao.

Pero sa press release, parang may patama ang nilalaman na ewan kung para kanino.

“Watch the historically correct story based on 14 years of extensive research, newly inspired dramatic records and factual events in Philippine history with fast paced sequences and more action-packed battle scenes.

“This is the right film with the correct story and screenplay to inform and educate the new generation of elementary, secondary and college students,” saad ng press release.

Well, alam naman nating sa pelikulang Heneral Luna ay lumabas na napakasama ni Gen. Aguinaldo and we just don’t know kung ito ang pinatatamaan ng press release.

Showing na ngayong Dec. 2 ang director’s cut ng Gen. Emilio Aguinaldo – The First Philippine President sa mga SM Cinemas. Ang nasabing pelikula ay graded A by the Cinema Evaluation Board (CEB), winner of 44 local and international film awards including the Best World Showcase Film at the Soho International Film Festival in New York City.

Ang mga estudyante at gurong manonood ay 50% discount sa sinehan basta ipakita lamang ang school ID.

ACIRC

ANG

CONCERT

EMILIO AGUINALDO

FROM THE TOP

HENERAL LUNA

KAYA

MGA

NBSP

SARAH

SMART ARANETA COLISEUM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with