Alden at Yaya Dub, bitin ang tukaan!
Special guest sa Eat Bulaga kahapon si Bryan White na inawit sa show ang paboritong song ng AlDub Nation, ang God Gave Me You habang ipinakikitang very sad sina Alden Richards na naghahanda na para sa wedding nila ng Russian model na si Cindy, at Yaya Dub (Maine Mendoza) na nakatakdang umalis to study abroad.
Noon lamang natanggap ni Lola Babah (AiAi delas Alas) ang sulat ni Yaya na nagbabakasakaling mabago ang isip ng lola ni Alden at hindi matuloy ang kasal.
Pinuntahan ni Lola Babah si Yaya at nag-usap sila, at nakita na lamang nina Nidora at Tidora na biglang umalis na masaya na si Yaya at sinundan siya ni Lola Babah, Nidora, Tidora at Frankie.
Nakapagpabago sa desisyon ni Lola Babah ang sulat ni Yaya na nakaantig sa puso niya, mali raw na siya ang manguna sa apo niya at Yaya, kaya pinayagan na niyang muling magsimula sina Alden at Yaya.
Napawi na ang apat na araw na lungkot ng AlDub Nation nang muling magyakap sina Alden at Yaya. Biro nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon, mag-kiss na ang dalawa nang biglang bumusina, freeezze!!!
Regine nagsalita na sa bintang ng paglipat ng istasyon!
Naigawa na ng intriga si Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid dahil hindi siya naka-join sa shoot ng 2015 Christmas Station ID ng GMA 7.
May mga lumabas nang bali-balita na lilipat na siya sa Kapamilya network, na siya na ang papalit kay AiAi delas Alas sa pagbabalik daw ng talent show na Pilipinas Got Talent, na may inihahanda na ring teleserye para sa kanya.
May nagsabi pang papasok din siya sa ASAP.
Pero tinuldukan agad ni Regine ang issue nang magpa-interview siya at ito ang sinabi niya sa kanyang Facebook account: “Here you go straight from Regine Velasquez herself: #StillKAPUSO. I am not moving. I don’t know where that news came from. I’m already signing with GMA for 2 years.” Siguro naman maliwanag na ang lahat.
Zendee mas pinili ang kontrata kesa sumali sa AGT
October 2012, habang kumakanta ng I Will Always Love You si Zendee Rose Tenerefe sa isang music store sa SM Megamall ay naging viral sa YouTube at nagdala sa kanya sa show ni Ellen Degeneres.
Hindi roon natapos ang career ni Zendee dahil nakapag-show siya sa Singapore at two months din siyang nag-stay sa Guam para sa mga corporate shows doon. Inamin niyang kumita siya roon.
Back in the Philippines, nagkaroon siya ng recording contract sa Warner Records pero ngayon she’s under MCA Records with three years contract na may option of another two years at gagawa siya ng album every year.
Ipinagpalit ni Zendee ang chance na maka-join sa Asia’s Got Talent kaysa mawala ang pinirmahan niyang contract.
Inisip niyang paano kung hindi siya manalo, paano na ang career niya.
For her first album, siya ang nakaisip ng title na Z na first single niya ang Run Wild na paborito song din niya.
Ang ilan pang songs sa album ay Lie, Watch This, I Wasn’t Ready For This, When Love Calls Your Name, Chances, Runaway, Count Again, at bonus track ang Habang Kayakap Ka.
Nag-schedule na rin ang MCA Music ng mga mall shows niya.
- Latest