^

Pang Movies

Mark walang arte kahit support lang ang role

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Para sa Kapuso actor na si Mark Herras, hindi raw issue kung hindi siya ang leading man ni Kris Bernal sa primetime teleserye ng GMA 7 na Little Nanay.

Gumaganap si Mark bilang kuya ni Kris sa naturang teleserye. Ang itinambal kay Kris ay si Hiro Peralta.

Ayon sa aktor, siya naman daw ang magbibigay suporta sa kapwa Kapuso artist niya.

“Sa 12 years ko nang nasa showbiz, wala na siguro akong mahihiling pa sa career ko.

“I mean, ilang beses na tayong nagbida sa mga telerserye. Ilang mga leading ladies na rin ang nakatrabaho ko.

“Kumbaga, hindi naman tayo maramot. Kung mag-support man ako sa mga kasamahan natin sa GMA 7, walang problema.

“Like si Kris, nakatambal ko na siya ng dalawang beses. Sa Time Of My Life (2011) at Hiram na Puso (2012).

“Kaya okey lang sa akin na suportahan ko naman siya ngayon dito sa Little Nanay bilang kuya naman niya.

“Itong Little Nanay, si Kris talaga ito at ang husay-husay niya.

“Tsaka si Hiro naman, panahon na siguro na mabigyan siya ng break bilang leading man.

“Hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay tayo ang bida, ‘di ba?

“Nasubukan na rin ang mag-support at hindi naging issue sa akin iyon.”

Leading man naman si Mark ni Janine Gutierrez sa pang-umagang teleserye na Dangwa. “Very thankful lang ako talaga at nandito pa rin tayo at pinagkakatiwalaan pa rin sa mga iba’t ibang roles.”

Adele tinawag na ‘once-in-a-generation’ artist

Sa unang araw pa lang ng release ng bagong album ni Adele na 25, bumenta na ito agad ng 300,000 copies.

Kaya sa unang week ng naturang comeback album ng British singer ay higit sa 1 million copies ang mabebenta.

Ayon pa kay Martin Talbot, chief executive of the Official Charts Company: “Adele truly is a once-in-a-generation artist. Her appeal spans age groups and genres, from children to teenagers, right through to mums and dads, uncles and aunties.

“With this mammoth first-day sales tally, Adele has taken a further step towards greatness.

“Over the next few days we will find out whether it can pass the magic half a million sales mark.”

Hindi nga ipinasok sa anumang streaming services tulad ng Spotify at Apple Music ang 25 album ni Adele.

Tinataya kasing aabot sa 700,000 copies sa UK ang naturang album at 600,000 copies naman sa U.S. na mabebenta.

Ang last album ni Adele na 21 ay bumenta ng 30 million copies worldwide noong 2011 at ito ang best-selling album sa UK noong taon na iyon.

Ang kasalukuyang top album to beat sa taong ito ay ang 1989 album ni Taylor Swift na umabot na sa 9 million copies sold worldwide since it was release in October 2014.

ACIRC

ADELE

ALBUM

ANG

APPLE MUSIC

AYON

HIRO PERALTA

ITONG LITTLE NANAY

JANINE GUTIERREZ

LITTLE NANAY

NAMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with