^

Pang Movies

Kailangan na siguro ng ‘transformation’ Yaya Dub mas kilala pa rin kaysa kay Maine Mendoza

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Akala namin kung ano ang pinagkakaguluhan noong isang gabi pagkatapos ng concert ni Sam Smith. Nalaman na lang namin kung sino ang pinagsisigawan nila, si Yaya Dub (Maine Mendoza) pala. Talagang nagkagulo ang mga tao. Tama pala ang ginawa niya noong minsan na mag-disguise.

Una, siyempre hindi naman handa ang security na may isa pang celebrity na pagka­kaguluhan sa audience. Kalokohan naman sigurong magdala siya ng sarili niyang security sa mga ganoong pagkakataon.

It shows kung gaano na talaga kasikat si Maine Mendoza. Pero isang bagay ang papansinin namin, ang isinisigaw pa rin ng mga tao ay Yaya Dub. Mukhang kahit na tinatawag na siya sa kanyang pangalan doon sa kalyeserye, mas kilala pa rin nila ang kanyang character kaysa sa kanya. Hindi mo rin naman maiaalis iyon, dahil sa ngayon ay doon lamang siya nakikita sa segment ng Eat Bulaga kung saan in character pa rin naman siya. Natural ngang mas kilala pa rin si Yaya Dub, kaysa kay Maine.

Siguro, unti-unti ay kailangan na nilang baguhin iyon. Medyo mahaba na rin naman ang itinatakbo ng kanilang kalyeserye. May ilalabas pa silang pelikula. Hindi na yaya ang kanyang role doon. Hindi naman puwedeng yaya na siya habang panahon. Tutal napakinabangan na rin naman siguro nila nang husto ang character, kailangan na nga siguro ng kaunting transformation. Pero kaila­ngan ingat lang. May mga feedback kaming narinig na mas gusto nga raw nila noong panahong puro dubsmash lang si yaya at nagsusulatan lang sila ng love notes ni Alden. Para sa fans, mas cute iyon at mas nakakakilig, kaysa ngayon na nag-uusap na sila, at masyado nang close.

Siyempre, may fans namang natutuwa na close na sila, at gusto pa ngang magkatuluyan sila. Pero dahil doon, para na silang karaniwang love team. Hindi kagaya noong una na unique talaga ang love team nila.

Anyway, talagang sikat na si Yaya Dub, at nakita namin mismo iyan nang mag­kagulo ang mga tao sa concert ni Sam Smith. Ibig sabihin din, hindi masasa­bing masa lang ang nagkakagulo kay Yaya Dub. Aba hindi kaya ng masa ang presyo ng concert tickets ni Sam Smith.

Sharon dinayo pa ng fans mula sa Canada para panoorin ang concert sa U.S.

Maganda rin naman ang narinig namin tungkol sa na­ging concert ni Megastar Sharon Cuneta sa California, USA noong isang gabi. Sa narinig naming feedback, puno ang kanilang venue kahit na may kamahalan ang tickets nila. At ayon naman sa mga kritikong nanood, mahusay ang performance ni Megastar.

Usually kasi, may standard na ang presyo ng mga ticket ng Filipino performers sa U.S., at sa ngayon ay kailangang ibaba pa ng producers ang presyo dahil maraming free shows dahil sa promo ng mga network sa kanilang mga cable channels.

Pero iyon nga ang sinabi sa amin, iyong presyo ng tickets sa concert ni Sharon ay “slightly higher” lang naman daw, pero malaking bagay iyon. Noong una nga raw, mabagal ang bentahan dahil mahal ang tickets. Eventually, hindi rin nakatiis ang fans at bumili rin. May fans pa nga raw galing Canada na nagpunta lang sa U.S. para sa concert na iyon.

Pagkalaos ng TV personality kitang-kita na!

Hindi na maikaila na bumabagsak na ang ratings ng show ng isang TV personality kahit na sa survey ng firm na identified sa kanilang network. Meaning, nalalaos na siya talaga.

ACIRC

ANG

HINDI

MAINE MENDOZA

MGA

NAMAN

PERO

RIN

SAM SMITH

YAYA

YAYA DUB

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with