Sen. Grace nalusutan ang SET!
Nagbubunyi ang mga taga-showbiz at mga taong sumusuporta sa Presidential bid ni Senator Grace Poe nang lumabas ang desisyon ng Senate Electoral Tribunal kahapon na ‘di kinatigan ang petisyong isinampa ni Rizalito David sa botong 5-4.
Nagpahayag na ang senadora ng saloobin niya tungkol dito bago pa man ilabas ang desisyon ng SET. Ang citizenship ni Poe ang siyang issue sa petisyon na ito.
Ang mga bumoto na members ng SET upang i-disqualify si Sen. Grace ayon kay Sen. Tito Sotto na inilabas ng GMA News ay sina Carpio, Brion, De Castro at Sen. Binay. Ang senador na sina Tito Sotto, Cynthia Villar, Bam Aquino, Pia Cayateno at Loren Legarda ang pumanig kay Poe. Bawal nga lang silang maglabas ng rason ayon kay Sen. Villar sa reports.
“Grace Poe is a natural-born Filipino.” Desisyon ng SET. Ipinaglaban ng pumanig na senators ang karapatan ng isang adopted child.
Eh ‘yung mga petisyon na isinampa laban kay Sen. Grace sa COMELEC, ang isyu ng citizenship at residency naman ang pinagtatalunan. Sa tumatakbong presidente, ang requirements ng Saligang-Batas ay natural born citizen at 10 years residence bago ang darating na eleksyon.
At least, nalusutan na ni Poe ang isang balakid sa kandidatura niya, huh! ‘Di ba, Salve A.?
Kris sinasamantala na ang huling taon ng pagiging president ni P-Noy
Naantala na naman ang shooting ni Kris Aquino para sa festival entry niya. Bisi-bisihan din kasi ang presidential sister sa pagtulong sa pag-istima sa mga worlds leaders na dumating sa bansa kahapon.
Sa isang post sa Facebook kahapon, nakita ang picture ni Kris sa harap ng Rizal Monument sa Luneta Park kahapon upang i-welcome ang Mexico President na si Enrique Nieto.
Buti na lang, hindi nakuhanan ang photo bomber building ng isang condo sa likod ng monument, huh!
Naku, wag mag-alala ang mga production people ng movie dahil once Kris sets her eyes sa shooting, kayang-kaya niyang ma-beat ang deadline ng MMFF Committee kahit na may fines sa late submission, huh!
Samantalahin ni Kris ang event na ito ng bansa dahil next year naman, hindi na president ang Kuya Noynoy niya. Kaabang-abang ang magaganap sa sinasabing Queen of All Media sa 2016, huh!
Pilot episode ng Little Nanay, palung-palo!
Pumalo sa ratings mula sa AGB Nielsen sa Megamanila households ang pilot telecast ng Little Nanay nina Nora Aunor, Eddie Garcia at Kris Bernal, huh! Nagtala ito ng 22.7%.
At least, matitigil na pag-e-emo ni Kris dahil tinangkilik ang series na kakaiba ang role niyang may intellectual disability! Saka marami rin ang happy kay Ate Guy sa tagumpay ng Little Nanay!
- Latest