Richard isang linggong iiwan si Sarah
MANILA, Philippines – Mabuti na lang at may ASAP 20, Written In Our Stars (new teleserye ng ABS-CBN) at iba pang projects si Sarah Lahbati, kaya hindi siya masyadong maiinip dahil mahigit isang linggong mawawala ang lovey-dovey niyang si Richard Gutierrez.
Bukas kasi ang alis ni Richard pa-Milan, Italy para um-attend sa bike convention ng Ducati at mahigit isang linggo ring mawawala ang aktor.
Actually, kapag dito lang naman sa ‘Pinas ang lakad ni Richard kasama ang mga miyembro ng Ducatistas (club ng mga may Ducati), paminsan-minsan ay sumasama rin si Sarah kapag wala siyang trabaho.
Sayang na sayang, ULTRA napabayaan na
Nayaya akong manood ng PBA game kahapon kung saan ay kalaban ng Mahindra ang NLEX.
Sa ULTRA ginanap ang PBA games (naglaban sa second game ang Rain or Shine na miyembro si Jeric Teng na older brother ni Jeron Teng).
My gosh, lumang-luma na ang ULTRA.
Dati-rati, bukod sa PBA games ay marami ring big artists ang nagko-concert sa ULTRA. Ang ULTRA rin ang venue noon kapag may mga TV specials at Star Olympics. Sayang ang ULTRA at talagang kailangan na nito ng major renovation para magamit pa ring venue kapag hindi available ang Smart Araneta Coliseum at MOA Arena.
Laban ng Mahindra pinanonood lang dahil kay Pacman!
Speaking of Mahindra and NLEX game, hindi masyadong tinao ang game nila kahapon.
Usually, kapag naglalaro si Cong. Manny Pacquiao ay napakaraming nanonood dahil inaabangan talaga ang pambansang kamao na playing coach ng Mahindra. Eh, wala si Manny sa game kahapon at nagbabakasyon pa sa Israel, kaya aware ang fans niya at hindi na pumunta sa PBA game kahapon ng Mahindra.
Oo nga pala, kapag naglalaro si Manny at nakaka-shoot siya, pati kalabang teams ay napapalakpak.
Nagbibigay nga rin pala ng bonus si Manny sa kanyang team kapag nalalaro sila sa game.Sabi ng mga taga-Mahindra, sobrang generous daw talaga ng pambansang kamao. May nagtsika nga sa akin na noong nag-Dubai ang kanyang team para sa isang PBA game roon, nagbigay rin ng pang-shopping si Manny sa mga kasamahan niya sa Mahindra.
‘Bagong’ TV5 siguradong may ibubuga
Next year na magsisimula ang exciting changes sa new TV5.
Sa mga plano ni Boss Vic del Rosario at ni Mr. Noel Lorenza sa tinaguriang Kapatid network, tiyak na hindi na sila magiging poor third sa ABS-CBN at GMA 7. Marami nga ang nagpi-predict na kung matutuloy lahat ng mga plano ng pinagsanib na puwersa ni Boss Vic at Mr. Lorenzana ay hindi malayong mag-number two agad ang new TV5.
- Latest