Pang-5 ‘rapist’ ni Andi, ‘di muna nagpakita
Kung nag-isip man si Public Attorney’s Office (PAO) Chief Atty. Persida Rueda Acosta na pasukin ang politika, hindi na niya itinuloy iyon.
Sa meet-the-press ni Atty. Persida last Thursday, iyon ang unang naitanong sa kanya.
“Hindi, wala na akong balak pasukin ang pulitika,” sabi ni Atty. Persida. “Ayaw kong maapektuhan ang trabaho ko sa PAO at ang mga taong tinutulungan ko kung magiging politician ako. Maraming umaasa sa akin at sa aming opisina. Tulad ngayon na ako ang tumutulong sa mga naapektuhan ng laglag-bala sa airport, kailangan nila talaga ako. Gusto ko ring i-report na sa ngayon may 64 thousand cases na kaming na-solve.
“Ngayon nga, narito ang ating running priest na si Fr. Robert Reyes. Ini-report niya na may mga bangkay pang nakitang lumulutang sa karagatan ng Leyte at Tacloban, at since sa amin ang forensic team, baka next week, pumunta sila roon para malamang kung pwede pang ma-identify ang mga bangkay na iyon.”
Pero kung hindi na tutuloy sa pulitika si Atty. Persida, ibang larangan naman ang papasukin niya, ang pelikula. Dumating during the meet-the-press ang mag-asawang Carlo J. Caparas at Donna Villa ng Oro De Siete Films para i-launch ang bago nilang artista sa pagbabalik-production nila ng Angela Markado, no other than Atty. Persida na gaganap sa katauhan niya bilang judge na hahawak sa kaso ng na-rape na si Angela Markado at ng limang rapists niya.
Present din ang buong cast ng movie na co-producer ang Viva Films, si Andi Eigenmann in the title role and the four rapists, sina Epi Quizon, Paolo Contis, Polo Ravales, at CJ Caparas. Wala si Felix Roco na siyang fifth rapist. Magkakaroon pa raw ng isa pang presscon bago ang nationwide showing nito sa December 2. Magkakaroon sila ng premiere night sa November 30.
Mansyon ng mga lola, mariremata na
Mababago na siguro ang pagtingin ni Lola Nidora (Wally Bayola) kay Alden Richards at patatawarin na ito sa pagkawala ng singsing na ipinagkatiwala sa kanya. At tiyak ang pagbalik ni Lola Babah vda de Faulkerson (AiAi delas Alas), ang lola ni Alden, dahil sa pamilya pala nila naisangla ng mama ng tatlong lola ang mansyon. Ang mansyon ay mariremata bukas, November 15, kaya kailangang matubos nila iyon ngayong Sabado, November 14.
Maging mapagpatawad kaya si Lola Babah kay Nidora matapos nitong away-awayin ang kanyang apo? Nakiusap lamang siya kay Nidora na gawin nang birthday gift sa kanya noong November 11, na bigyan pa ang kanyang apo ng oras para mahanap ang singsing at pinagbigyan naman siya nito.
Iyon ang mabigat na problema ni Nidora, matapos ma-solve ang unang problema na nakasangla rin pala ang mga alahas nila worth two hundred thousand pesos na nagtulung-tulong sina Lola Tidora (Paolo Ballesteros), Yaya Dub (Maine Mendoza), at Alden na mabuo ang kailangang halaga.
Birthday naman ngayon ni Lola Nidora, ibalik kaya niya ang pakiusap kay Lola Babah na huwag na munang rematahin ang mansyon? Makiusap din kaya si Alden sa Lola Babah niya na patawarin na lamang ang pagkakautang ng pamilya ng mga lola ng mahal niyang si Yaya Dub?
- Latest