Kahit madalas magsabihan ng I love you… Liza ‘best friend’ lang ang turing kay Enrique!
Personal na nagpasalamat kahapon sa pocket presscon ang mga bida ng Everyday I Love You na sina Liza Soberano at Enrique Gil sa box-office success ng kanilang 2nd movie na kasalukuyan pa ring pinapalabas ngayon, now on its third week.
Say nga ni Quen, hindi nila ine-expect ito dahil nang simulan nila ang movie, hindi nila alam kung paano ito tatanggapin ng tao.
“It was different kasi, it was more mature role, parang siguro, nasanay lang kami sa Forevermore, tapos Just The Way You Are, alam mo ‘yun, rom-com, so, eto with a serious tone, we weren’t as at home to this.
“But apparently, it did really good. I enjoyed it and siyempre with the director (Mae Cruz-Alviar) and with Ge (Gerald Anderson), it was really fun,” say ni Quen.
Super thankful at flattered din si Liza na hanggang sa ibang bansa ay inabangan ang movie nila at ‘yung mommy nga raw niya ay napanood ito sa San Francisco.
Sa last frame ng movie ay inaabangan kung maglalapat ang lips nina Liza at Quen pero hindi nga ito nangyari since hindi pa pwede sa young actress ang mga ganitong eksena.
Pero sa next film, ano’ng malay natin baka mapanood na natin ang pinakaaabangang kissing scene ng dalawa. Biro nga ni Quen, kung sakaling hindi siya ang magiging first kiss ni Liza on screen, baka raw magkaroon ng World War.
“Hindi, joke lang. Pero siyempre, parang feeling ko, we made a mark na sa mga tao, sa mga puso ng mga tao, sa Forevermore, tapos sa Just The Way You Are, tapos sa Everyday…(I Love You), so feeling ko, pati sila, gusto nila.
“Pero matagal pa. Baby pa ‘to (Liza),” sabi ni Enrique.
Aminado naman ang young actor na may gusto siya talaga kay Liza and in fact, sa harap naming ay sinabihan niya ng “I love you” si Liza.
Ano ang sagot ni Liza?
“Sumagot na po ako sa interview ko kay Boy Abunda,” she said.
Pero ayaw nang sabihin ni Liza kung ano ang sagot niya dahil nakaharap daw si Quen. Wala raw kasi ang young actor nun’g time na ininterbyu siya.
“Hindi niya (Quen) dapat nalalaman. Dapat siya mag-search,” say pa ni Liza.
Kinantyawan ng press si Liza and asked kung pwede ba siyang mag-I love you too kay Quen that moment.
“Sabi po kasi ng parents ko, huwag daw mag-a-I love you kung hindi pa kami,” say ni Liza.
Pagbubuking naman ni Quen, “nag-I love you na sa ‘kin ‘yan, eh”.
Katwiran naman ni Liza, “nag-I love you naman ako sa kanya, nag-tweet pa nga ako, eh. Pero ‘yun po ‘yung I love you kasi he’s the person I’m with everyday, best friend ko siya, so siyempre, love ko siya.”
Nagkatawanan na lang.
Anyway, extended pa ng two weeks ang Everyday I Love You in more than 100 cinemas.
Popoy at Basha, walang ‘happy ending’?
Muling gagampanan nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo ang kanilang iconic na papel bilang sina Popoy at Basha sa nalalapit na romantic-drama ng Star Cinema na A Second Chance – ang pinakahihintay na sequel ng 2007 smash box-office hit na One More Chance.
Napakalaki ng impluwensya ng One More Chance sa pananaw ng mga Millennials sa pag-ibig, at ito rin ang kauna-unahang worldwide hit ng Star Cinema.
Ang mga imortal na linya ng pelikula sa binigyang buhay ng mga pangunahing tauhan nito na sina Popoy at Basha, tulad ng “Sana ako pa rin. Ako na lang. Ako na lang ulit,” at “She had me at my worst. You had me at my best…and you chose to break my heart,” ay talagang tumatak sa puso’t isipan ng isang henerasyon ng mga Pilipinong manonood hanggang sa araw na ito.
Kaya naman ang daming natuwa at pabor na pabor na lagyan ito ng sequel. Ngayon pa nga lang ay napakarami nang nag-aabang sa pagbabalik nina Popoy at Basha.
Ang tagpuan ngayon ay pitong taon matapos magkabalikan sina Popoy at Basha. Ipagpapatuloy ng A Second Chance ang istorya nina Popoy at Basha matapos nilang bigyan ang kanilang pag-iibigan ng isa pang pagkakataon o one more chance.
Ngunit ngayon, ipapakita ng pelikula ang mga realidad ng buhay may asawa. Ipapakita ng A Second Chance na hindi lahat ay ayon sa “happy ending” na kapwang inaasahan nina Popoy at Basha.
Isang failed achiever si Popoy at ginagawa niya ang lahat upang maligtas ang kanyang negosyo at pati na rin ang kanyang kumpiyansa sa sarili.
Si Basha naman ay naging isang masunuring misis na maraming isinakripisyo upang masigurong buo ang kanilang buhay mag-asawa.
Sa pagpapakita ng ibang larawan ukol sa dalawang tauhan na minahal nang husto ng buong bansa, nangangahas ang A Second Chance na itanong kung magbabago ba talaga ang pag-iibigan ng dalawang tao kung sila ay nagbago rin.
Siyempre at nagbabalik din sa proyektong ito ang blockbuster direktor na si Cathy Garcia Molina at pati na rin ang hindi matinag-tinag na sina Carmi G. Raymundo at Vanessa R. Valdez bilang manunulat.
Ipapalabas ang A Second Chance sa lahat ng mga sinehan sa buong bansa simula ngayong Nobyembre 25.
- Latest