Aldub tatanggap ng award sa Star Awards for TV
MANILA, Philippines - Pormal nang inilabas ng Philippine Movie Press Club (PMPC) ang mga opisyal na nominado para sa 29th Star Awards For Television.
Layunin ng PMPC na bigyan ng pagpapahalaga ang mga orihinal na likha ng sariling atin, kaya’t ang mga franchise shows tulad ng Pure Love, Baker King, Two Wives, Pasion de Amor ay hindi isinali sa mga nominadong programa, subalit kasali sa mga acting categories ang mga deserving na nagsiganap sa mga ito.
Tulad din ng mga remake shows na Pangako Sa ‘Yo at Yagit na naulit na lang ang pagpapalabas, ‘di na rin sila kasali sa mga nominadong programa, pero pasok sa nominasyon ang mga deserving sa acting categories.
Ganoon din sa mga franchise na game at reality shows tulad ng Who Wants To Be A Millionaire, Pinoy Big Brother, The Voice Of The Philippines, Your Face Sounds Familiar, Let’s Ask Pilipinas, Bet On Your Baby, Kapamilya Deal Or No Deal, Quiet Please Bawal Ang Maingay, Hi-5, Don’t Lose The Money na hindi rin nominado ang mga programa pero binigyang nominasyon ang mga deserving na hosts.
Naluklok na sa Hall Of Fame (nagwagi na ng 15 awards) ang mga programang Maalaala Mo Kaya, Eat Bulaga at Bubble Gang, kaya’t wala sila sa listahan ng mga nominadong programa, subalit ang mga mahuhusay na pagganap sa MMK ay binigyan ng nominasyon.
Gayundin sa mga deserving na hosts ng Eat Bulaga at mga komedyante ng Bubble Gang.
Hall Of Famer din si Boy Abunda bilang Best Showbiz Oriented Talk Show Host, kaya’t di na rin siya nominado sa naturang kategorya.
Ngayong taong ito, ipagkakaloob ang Ading Fernando Lifetime Achievement kay Ms. Coney Reyes at ang Excellence In Broadcasting Lifetime Achievement ay kay Ms. Maria A. Ressa.
Ipagkakaloob naman ang German Moreno Power Tandem Award kina Alden Richards & Maine Mendoza (AlDub) at Liza Soberano & Enrique Gil (LizQuen).
Ang 29th PMPC Star Awards For Television ay produced ng Airtime Marketing ni Ms. Tess Celestino at gaganapin ito sa unang linggo ng December, 2015.
- Latest