^

Pang Movies

Alden binansagan nang The Real Mall Show King

Jun Nardo - Pang-masa

Walang binatbat ang isang mall show ng Kapamilya ilang weeks na ang nakararaan sa ginanap na mall show sa Iloilo City ni Alden Richards, huh! Nakakalula ang taong dumagsa na ayon sa report ng GMA executive sa Regional Operations na si Oliver Amoroso, umabot sa 50k ang estimate crowd na dumagsa upang makita ang Pambansang Bae, huh!

Eh, nag-iisa lang si Alden sa show. Hindi artista ang mga kasama niya. Pero ‘yung mall show ng Kapamilya stars, maraming artista ang nag-show. Record-breaker din daw.

Sa totoo lang, hindi pa certified Kapamilya artists ang bida sa show na sina James Reid at Nadine Lustre, huh! So hindi talaga puwedeng i-claim ng network na artista talaga nila ang humatak ng crowd!

Anyway, sa record breaking attendance ng tao sa Iloilo mall show ni Alden, agad-agad na siyang tinawag na The Real Mall Show King, huh! Hindi na kasi busy si Jake Vargas sa mga mall shows kaya hindi na siya umangat bilang Prince ng Mall Shows, huh!

Kris ligwak na bilang Reyna ng commercials!

Wala kaming napapanood na mga commercial ni Kris Aquino sa Eat Bulaga. Tanging ang TVC ng mga sikat na loveteams ang aming napapanood.

Siyempre, ang commercials nina Alden Richards at Yaya Dub/Maine Mendoza ang overflowing sa noontime show. Mas naglalabanan nga ang commercials ng JaDine at AlDub kesa sa KathNiel o LizQuen.

Pero knows siyempre ni Kris na malaki ang viewership ng Bulaga ngayon. So hindi puwedeng maitsa-puwera ang TVCs niya sa programa, huh! Para ano pang naging Queen of All Media ang bansag sa kanya!

Ay, baka na-dislodged na si Kris bilang Reyna ng Commercials!

Pambato ng Pinas sa Miss International 2015, dinaig pa ng transgender

Dinaig ng transgender na si Trixie Maristela ang pambato nating si Janicel Lubina sa katatapos an Miss International 2015 na ginawa sa Japan.

Hanggang Top 10 lang ang puwesto ni Janicel habang si Trixie, inuwi ang korona sa Miss International Queen 2015 na ginawa naman sa Pattaya, Thailand, huh!

Hindi nga umepekto ang sad story ni Janicel. Hanggang Best Dresser lang ang nakuha niya sa pageant.

Pero ang pa-girl na si Trixie, pinataob ang 26 candidates. Siya ang tinanghal na Miss International Queen 2015. At least, kapwa Miss International contest ang sinalihan nila, huh!

Anyway, si Trixie rin ang tinanghal na Miss Gay Manila 2015.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

ANG

EAT BULAGA

HANGGANG TOP

HUH

KAPAMILYA

MISS INTERNATIONAL

MISS INTERNATIONAL QUEEN

PERO

SHOW

TRIXIE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with