GMA 7 bossing nagbago na ang isip, pagbebenta kina Pacman at Singson iniurong na!
MANILA, Philippines – Malabo na raw ang posibilidad na makabili ng stocks mula sa major stockholders ng GMA 7 si former Ilocos Sur Gov. Luis “Chavit” Singson at ang kaibigan niyang si Cong. Manny Pacquiao.
Nagpasabi na raw ang mga ka-deal ni Manong Chavit sa Kapuso network na hindi na sila magbebenta.
Sabi ng isang malapit kay Manong Chavit, mataas ang offer nila ni Manny sa mga taga-Siyete na bibilhan sana ang stocks, pero hindi na nga raw interesado ang mga ‘yon na magbenta.
Dismayado nga raw si Manong Chavit dahil tinaasan na niya ang offer, pero hindi naman natuloy ang pagbebenta sa kanya ng stocks.
Ayon pa sa mga malapit kay Manong Chavit, sobrang interesado raw ang dating politician, kaya kung hindi man sila nagkatuluyan ng mga kausap niya sa GMA 7 ay malamang na ibang TV networks naman ang puntiryahing bilhan ng grupo niya.
Teka! Kung hindi natuloy ang pagbili ng grupo ni Manong Chavit ng stocks sa ilang major stockholders ng Kapuso network, paano kaya ‘yung travel show niya na balak niyang ipasok sa GMA NewsTV? Matutuloy pa rin ba ‘yun sa sister TV network ng Siyete o sa iba na lang niya kukunan ng timeslot?
Well…
Raymond proud na ang mga magulang ang original ‘AlDub’
Present si Mother Lily Monteverde sa 63rd birthday celebration ni Annabelle Rama noong isang gabi sa Resorts World Manila.
Touched si Bisaya (paboritong tawag sa misis ni Eddie Gutierrez) sa pagpunta ni Mother Lily sa kanyang belated birthday celebration dahil alam niyang hindi na nagpupuyat ngayon ang producer ng Regal Entertainment, Inc.
“Mother, himala, pinuntahan mo talaga ang birthday party ko kahit malayo. Alam ko naman na hindi ka na nagpupuyat, kaya touched talaga ako, Mother!” sey pa ni Bisaya sa kaibigang producer.
Samantala, during the party, panay ang kuwento ni Raymond Gutierrez sa TAPE, Inc. executive na si Ms. Malou Choa-Fagar at sa katabi nito na si Ms. Marichu Vera-Perez Maceda na ang nanay at tatay niya ang original AlDub (Alden Richards-Maine “Yaya Dub” Mendoza).
“Mom is a fan of my Dad at talagang na-in love ang fan sa kanyang idol at nagkatuluyan sila, kaya sila talaga ang original AlDub. Remember, sinundan ni Mommy si Daddy dito sa Manila after magkakilala sila sa Cebu,” kuwento ni Raymond sa mga kaharap at tawa nang tawa.
Kuwento pa ni Raymond kay Tita Malou, sa tuwing nakikipag-meeting daw siya sa ilang taga-advertising agencies at sa mga sosyal na kaibigan niya, palagi raw nababanggit ang AlDub.
Tim hinahabol sina Alden at Maine
Late dumating sa party ni Bisaya si Tim Yap. Galing pa raw sa isang event si Tim.
Nang makita niya si Tita Malou, pinakiusapan niya ang TAPE, Inc. executive na mai-guest naman niya sa kanyang The Tim Yap Show sa GMA 7 sina Alden Richards at Maine Mendoza.
Sabi ni Tita Malou, ang GMA Artists Center, Inc. ang manager ni Alden at si Maine naman ay under APT ni Mr. Tony Tuviera at hindi naman siya ang puwedeng magdesisyon lang tungkol sa nire-request ni Tim.
Anyway, naitsika ni Tim na nag-shooting ang AlDub sa isang branch ng McDonald’s.
Ang McDonald’s ang siyang major sponsor ng late night show ni Tim sa Siyete.
- Latest