^

Pang Movies

Mga Koreano napabilib na rin sa Aldub

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Tama ang sinabi ng komedyanteng si Chocoleit, kahit na siya ay nasa kabilang network, inamin niyang ngayon ay talagang panahon ng AlDub at wala nga namang magagawa roon kahit na sino man.

Panahon nila eh. Kaysa sa manghinawa ka at magsalita pa nang kung anu-ano, lalabas ka lang kontrabida, tumahimik ka na lang. Hindi maikakaila na matindi ngayon ang popularidad ng AlDub.

Siguro kahit na iyong mga kalaban nila, kailangang tingnan iyong positive side ng mga nangyayari.

Nagulat ang buong mundo sa phenomenon na kanilang nilikha. Kailan ba nangyaring nagsalita ang Twitter mismo tungkol sa isang hashtag na umabot na milyun-milyon ang tweets. Siguro kahit na sila ay nagulat.

Napansin iyon maging ng BBC at Bloomberg. Napansin na rin iyon ng ABC News ng Australia.

Ngayon may ilang international TV shows na gusto pang kumbidahin sa kanilang show mismo ang AlDub.

Hindi ba ang mga bagay na iyan ay dapat na ikatuwa maging ng kanilang mga kakumpitensiya dahil ang hindi natin nagawa lahat sa loob ng mahabang panahon, iyong matawag ang atensiyon ng mga dayuhan sa mga Filipino talents ay nagagawa nila ngayon.

Marami tayong artistang nagyayabang na nakakuha ng awards sa abroad, pero hindi naman sila mabili sa abroad kasi ni hindi nga sila makatawag ng atensiyon ng mga tao roon. Sino ba ang mag-aaksaya ng panahon na mamuhunan sa kanila? Ngayong napapansin iyong AlDub, pagkakataon iyan na mapansin din ang Filipino talent.

 Tayong mga Pinoy, lokong-loko sa mga dramang galing sa Korea. Lokong-loko ang mga kabataan natin sa mga poging boyband mula sa Korea. Pero noong isang araw may nakita kaming report na kung saan iyong mga kabataan sa Korea napapansin na ang AlDub. Hindi ba napakagandang development niyan para sa atin. Napapansin na tayo ngayon samantalang dati ay wala.

Atty. Acosta dapat bigyan uli ng show sa pagtatanggol sa mga biktima ng tanim-bala

Nauna lang si Lea Salonga. Ngayon maging ang singer daw na si Lani Misalucha ay nagpahayag na ng pagkadismaya sa nangyayaring laglag-bala o tanim-bala sa NAIA.

Eh kasi iyang mga entertainers na iyan, madalas sila sa abroad. Hindi mo rin masasabi kung isang araw sa kanilang pag-alis ay may makita rin namang bala sa mga dala nila. Kahit na sino naman ay posibleng maging biktima.

Hindi mo masasabi kung ano ang susunod na “modus”.

Ang nakakatawa lang, ang bilis ni Secretary Joseph Emilio Aguinaldo Abaya na magsa­bing ang media lang ang nagpapalaki ng issue. Eh ang dami nang lumabas na nagrereklamo, ano pa naman ang kasalanan ng media sa mga bagay na iyon eh talagang balita na iyon.

Maski nga ang PAO Chief na si Atty. Persida Acosta hindi na nakatiis eh. Nagbigay na siya ng hotline at siya mismo ang sumusugod para ipagtanggol ang mga biktima ng laglag bala. Siguro dapat bigyang muli ng segment man lang sa news ng TV5 si Atty. Acosta dahil sa mga nangyayaring iyan. Bagama’t ok din naman ang mga pahayag ng resident laywer sa TV5 na si Atty. Mel Sta. Maria.

Ang mga entertainer na umaalis sa bansa ay hindi rin ligtas sa dagdag bala. Ok sa amin ang hulihin nang hulihin iyong may mga dalang droga. Malaking kalokohan talaga iyong nagdadala sila ng droga, pero iyang inilalaglag lang na bala, na wala namang sense dalhin dahil wala namang baril para paputukin iyon, aba eh nakakatawa talaga.

ACOSTA

ANG

BALA

HINDI

IYONG

JOSEPH EMILIO AGUINALDO ABAYA

LANG

LANI MISALUCHA

MGA

SIGURO

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with